DAHIL SA kakulangan ng promotion, parang moomoo na lumitaw sa news feed namin na may dalawang ‘fresh’ Pinoy zombie films na mapapanood ngayon via paid online streaming. Ito ay ang ‘Izla‘ at ‘Sa Haba ng Gabi‘.
Ang ‘Izla‘ ay pinagbibidahan ng Bubble Gang mainstays na sina Paolo Contis at Archie Alemania with sexy ladies Beauty Gonzales, Isabelle Daza, Elisse Joson, Analyn Barro, Sunshine Garcia at Aiko Climanco. Shot in Bohol, kuwento ito ng dalawang tourist workers na sina Badong (Paolo Contis) at Entoy (Archie Alemania).
Dahil sa kagustuhan na magkaroon ng fast and easy money pambayad ng mga utang, papayag sila sa kagustuhan ng isang grupo ng sexy vloggers called V-Sisters na puntahan ang isang forbidden area na diumano’y may something. Ang dapat sana’y zombie-related prank ay magkakatotoo pa ‘ata! Siguradong riot sa katatatawa at kakakutan ang pelikulang ito! This film is directed by Barry Gonzales na mapapanood exclusively sa KTX.
On the other hand, bida naman ang mga Vivamax favorites na sina Candy Pangilinan, Kim Molina at Jerald Napoles sa pelikulang ‘Sa Haba ng Gabi‘. Kuwento ito ng dalawang maid at isang driver na na-trap sa isang mansuon nang magkaroon ng zombie apocalypse sa isang village.
Based on the trailer, mukhang ito ay isang mababaw na horror-comedy film. Nasanay tayo na mapanood ang tatlong bida sa mga likha ni Darryl Yap, pero tingnan natin kung maduduplicate ang chemistry nila kung ang direktor na si Miko Livelo na ang hahawak sa kanila.
Alin sa dalawang pelikula ang bet niyo panoorin? O may budget ba kayo to support both films?