TWO MORE YEARS AY BABU NA: Direk Cathy Garcia-Molina, goodbye showbiz na sa 2019!

Direk Cathy Garcia-Molina

SAYANG NAMAN kung mare-retire na sa showbiz si Direk Cathy Garcia-Molina sa kanyang gustong ginagawa.

 
Sa presscon ng kanyang latest film na “Seven Sundays” na magsisimula na ipalabas bukas, Wednesday, October 11 ay madami ang nagulat sa sinabi ni Direk Cathy sa mga media na present during the launch.
 
Maging si Aga Muhlach na nagustuhan ang istilo ni Direk Cathy sa kanyang pagbabalik pelikula after six years ay hindi makapaniwala.
 
Ang rason ng lady director na kilala sa kanyang mga romance comedy na gawa na pinakilig niya tayo sa mga obra niya kina Liza Soberano at Enrique Gil or sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay gusto na niyang alagaan ang kanyang pamilya.
 
Direk Cathy gave herself two more years at tatapusin lang niya ang mga pelikula na naka-line up sa kanya para sa Star Cinema.
 
Para kay Direk Cathy ay panahon na raw para ibigay naman niya ang kanyang oras at panahon sa dalawang anak niya na sina sina Kayin at Basha sa yumaong asawa na si Philip Rey Molina.
 
Hayagan niya sinabi sa media: “My family needs me. My kids need me.
“I have given enough for the business and my company. It’s time I give back my children my time,” paliwanag niya.
 
Kuwento pa ni Direk Cathy: “I already told the company (Star Cinema). Pero hindi pa ako pinapayagan!”
 
Ngayong tapos at buo na ang pelikulang Seven Sundays ay aasikasuhin naman niya ang pelikula na pagsasamahan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta na susundan naman ng isa pang KathNiel film bago siya mamaalam ng tuluyan to fulfill her dream na makasama at mapaglingkuran ang kanyang mga anak.
 
Until 2019 ang kontrata nni Direk Cathy sa Star Cinema na sa kanyang pamamaalam, plano niya mag-migrate at kasama ang dalawang mga anak at ang kanyang boyfriend sa New Zealand.
 
Team Seven Sundays: Aga Muhlach, Direk Cathy Garcia Molina, Cristine Reyes, Ronaldo Valdez, Enrique Gil and Dingdong Dantes
 
Ang huling pelikula ni Direk Cathy ay ang “My Ex and Whys” na only this year lang pinalabas na bida ang love team nina LizQuen.
 
Sa latest film niya na ang sabi ay “father version” naman ng “Tanging Yaman”  na pinagbidahan noon ni Ms. Gloria Romero; it deals with the magkakapatid na sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Erique Gil na sa mga huling araw ng buhay ng kanilang ama na may cancer played by Ronaldo Valdez ay babawi sila sa pag-aalaga at para makasama ito.  
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleVin Abrenica, halatang may inggit sa kapatid na si Aljur
Next articleSAGAD-SAGARANG SKED: VICE GANDA, NO TIME FOR LOVE

No posts to display