BAGO PA NAKILALA bilang other half ng very successful AlDub tandem, nakilala si Alden Richards bilang isang competent actor lalo na sa larangan ng drama. Proof dito ang past GMA Telebabad shows niya na One True Love, Mundo Mo’y Akin at Carmela. Pati sa historical series ng GMA News na Ilustrado ay pinalakpakan ang performance niya bilang Dr. Jose Rizal.
Last Saturday (July 1) ay nagbalik sa kanyang drama roots ang binata via Wish Ko Lang, where he portrayed the role of Dr. Dalvie Casilang, isang kilalang barrio doctor na inspiring ang naging kuwento at maraming pusong na-touch dahil sa kabayanihan na ipinakita nito sa mga residente ng NAsungbal, Ilocos Sur.
Nakakatuwa na some years ago ay nag-tweet ang real-life Dalvie na nakikita niya na Alden Richards will be a very big, real star. Nagkatotoo na nga ‘yun at si Alden pa mismo ang nag-portray sa life story niya.
Given the praises and positive tweets, dapat siguro ay ipagpatuloy na ni Alden ang pagbalik sa drama. Oo, magaling din siyang magpakilig at magpatawa, pero hindi ba’t unfair din kung made-delay ang development ni Alden as a character drama actor dahil lang kailangan niyang mag-adjust lagi kay Maine, who is much more of a comedian and TV host at aminadong hirap sa drama roles?
Siguro ito na ang tamang panahon para kumuha na rin ng individual projects ang magkapares. Ano sa tingin niyo?