OLA CHIKKA! Again and again and again sa ating mga chismax to the maximum authority of chikka!
Hindi ko alam kung maiinis din ako at mandidiri kay Hayden Kho. Kasi nga naman, ang ex mo, Dra. Belo, type daw ang Pop Princess. Kaya raw si Sarah Geronimo, diring-diri kay Hayden.
Kasi nga naman, nu’ng nakaraang Linggo sa isang talk show, nakita kong ini-interview si Sarah na parang diring-diri siya at hindi niya feel na ma-link ang beauty niya kay Hayden.
Nagsimula kasi ito na pilit na inili-link siya kay sarah nu’ng mag-guest ito sa Sarah G Live! na pabirong sinabi ni Hayden na gusto niyang ligawan si Sarah. Pero imbes na mag-comment si Sarah, parang nakasimangot at halatang ayaw pag-usapan ang tungkol sa tsismis sa kanila ni Hayden. Kasi hindi naman daw makatutulong sa carrer niya ‘yun at baka magamit pa siya.
O, ‘di ba? Parang ayaw talagang ma-link siya kay Hayden. Kasi nga naman, baka matulad siya kina Katrina Halili at Maricar Reyes. Pero react naman ng kampo ni Hayden. Ang tanong, seryoso naman nga ba si Hayden? Kasi ang type ni Hayden ay mga matronang madatung tulad ni Belo.
Sa bagay, sa ayos ngayon ni Sarah, hindi na sila nagkakalayo ni Belo. Kasi parang laging aburido mula nu’ng nagkahiwalay sila ni Gerald Anderson. Kasi balik-tambalan na sila ni Kim Chiu, kaya nagbubunyi ngayon ang Kimerald.
Pero teka, alam na kaya ni Mommy Divine na may bago na raw diva ang Dos. Kung hindi pa, ‘eto, basahin mo. Kasi ikinagagalak daw ng Dos na si Angeline Quinto na siya talaga ang produkto ng network na puweding i-level kina Regine Velasquez, Lea Salonga at Lani Misalucha. Marami kasi ang nakapuna nu’ng X-mas Special ng ABS-CBN, talagang kasabay ni Angeline sa production number sina Lani, Lea at Zsa Zsa Padilla.
Kaya masasabi natin na bongga na talaga si Angeline dahil full support talaga siya ng network at balita nga na siya na ang first diva ng Dos. At sa 2013, marami na ang naka-line up na project para kay Angeline, dahil makikipagsabayan na ito sa kanyang teleserye. Siya ang bida sa Kahit Konting Pagtingin, kung saan leading man nito sina Sam Milby at Paulo Avelino.
O, ‘di ba naman? Talbog na ang anak mo, Mommy Divine. Sana maghunos-dili na siya na palaos na ang kanyang hija, ‘yan ang sabi nila. Say n’yo!
ANYWAY, VERY successful ‘yung Manila at provincial runs ng stage play na San Pedro Calungsod, The Musical. Si Gerald Santos ang hinuhulaang 2013 concert king.
“Sobrang thankful ako and blessed na maibigay sa akin ang role, pero at the same time, presure din sa akin.”
Talagang nagampanan niya nang maganda ang buhay ng ating 2nd Filipino saint na si San Pedro Calungsod, at talagang pinagbutihan nila na maunawaan ng tao kung paano naging santo si San Pedro Calungsod. Masaya si Gerald na nakasama niya rito si Tommy Abuel.
Congrats din sa kanya, kasi selling like hot cake ang kanyang album na Gerald Santos, The Prince of Ballad, ang kanyang carrier single ay Maghintay Ka Lamang. Tuloy pa rin ang kanyang mall tour at ang pagpapatugtog ng kanyang mga awitin sa FM stations na nagiging paboritong tugtugin ngayon ng mga DJ.
Abangan din po siya dahil malapit na ring lumabas ang music videos ng kanyang mga song. Siya rin ang kumanta ng theme song ng Gayak na entry sa New Wave Section sa MMFF 2012. Pagdating ang title nito.
Dumating din ako sa party ng kanyang fans kasi tinuturing ko ang aking sarili na idol ko itong batang ito, na sana sa 2013 ay taon na niya ito. Bonggacious!!!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding