SOBRANG NAKABIBILIB itong si Tyrone Oneza dahil sa mga pinagsisikapan niya. Kung tatanungin n’yo naman kung sino itong si Tyrone, siya po ang sumikat noon sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Nakuha ang pangalan niya sa former broadcaster-columnist na si Tita Swarding. Kaya naman hanggang ngayong naisipan niyang bumalik sa showbiz, gamit pa rin ang pangalan na Tyrone Oneza.
Marami ang nagtatanong sa kanya bakit hindi siya magpalit ng pangalan, ang sagot naman ni Tyrone ay napamahal na siya kay Tita S at ‘yun ang pangako niya na babalik nga siya ulit sa showbiz. Kaya lang, pagbalik niya ay nasa hospital na nga at ilang araw ay pumanaw na.
Anyway, move on na tayo d’yan, dahil sabi nga ni Tyrone, para kay Tita S ang album niya at magiging career niya. Noong nakaraang buwan nandito sa Pilipinas si Tyrone para sa recording ng album niya with Vehnee Saturno at para ayusin lahat ang dapat ayusin.
Sa ngayon naman, nasa Barcelona siya para mag-voice lesson at pinaghahandaan niya ang pag-uwi niya, kaya diet at jogging ang gingawa niya ngayon. Hindi lang siya sa Pilipinas nagpe-perform, may mga show rin siya sa Europe.
Kaya naman sa pagbabalik niya, bonggang presscon ang haharapin niya at ‘pag nabigyan ng pagkakataon, go go na sa concert.
Nakakatuwa naman parte rito kay Tyrone, nagsusumikap siyang makamit ang pangarap niya sa sarili niyang paghihirap, at sabi nga niya sa sarili niya, ibang Tyrone ang makikita natin sa kanya kumpara sa dati. At siyempre, kung kaninong artista o singer naman siya ihihilera, kamukha niya si Martin Nievera.
Nakakatuwa naman sa kanya, may mga show na naka-line up na gaganapin sa Cowboy’s Grill sa Aug. 21 at sa Zirkoh sa Aug. 24 kasama niya sina Jose and Wally, siyempre ang in na in ngayong si Sir Chief, at sa Sept. 7 naman ay guest siya sa Asia-Pacific Bikini Open. Kaya abangan n’yo ang bagong Tyrone after two weeks.
Siyempre, ako pa rin si Lady Camille, ang chismosang kapitbahay n’yo na walang sawang chumikka. Kaya naman kung nabitin kayo, pakinggan n’yo pa rin ako sa ganap na 11:30 hanggang 12:00 nn sa DWSS 1494khz, at every Saturday naman sa DZRH, 12:00-1:00 pm.
Lay D’ Cam
By Camille Espena