Labis-labis daw ang kasiyahang nadarama ng mahusay na international singer at napaka-generous na si Tyrone Oneza dahil sa pagbuhos ng likes, comments, at share sa Facebook ng kanyang FB Wheel of Fortune na isa na ngang instant Internet sensation.
Kuwento nga ni Tyrone Oneza nang makausap namin sa FB, “Natutuwa po at maraming nagsabi na first time daw po na may Wheel of Fortune sa FB at ako pa ang kauna-unahan dito.
“Sobrang nakapa-flatter ‘yung mga magagandang mensaheng ipinadadala ng supporters ko at ng ibang tao na nakakikita sa FB ng Wheel of Fortune.
“Ako po kasi, halos naranasan ko na ang lahat. I travelled so much, dahil ‘yan ang dreams ko, but noong maranasan ko parang kulang ang happiness ko. “Pero ‘yung maliit na bagay na ginagawa ko sa kapwa tao ko, iyan pala ang kaligayahang talagang makapagpapasaya sa akin, ang bukal sa loob na pagtulong sa kapwa.
“Naisip ko kasi na hindi ko madadala sa kabilang buhay ang yaman, pero ang mag-iwan ka ng magandang bagay sa kapwa, kailanman ay hindi mawawala.”
Dagdag pa ni Tyrone, “Ginawa ko itong bagay na ito para sa FB supporters ko, dahil nakita ko ‘yong efforts nila every now and then, mga nag-like at nag-comment sa bawat post ko. Alam ko, full effort din sila kaya sinusuklian ko rin po sa pamamagitan ng pahulaan ko sa FB for small amount, at nakita ko na very appreciated nila ‘yon.
“Lalo na ‘yung last week winner na nanalo ng 1st Prize – 500 Euro from Cebu, si Diego from Bubble Gang – 2nd Prize of 200 Euro, at ‘yong 3rd Prize na 100 Euro frok Rizal.
“Kaya naman nang makita ko yung sobra-sobrang kasiyahan ng mga nanalo rito, mas dobleng kasiyahan ang naramdaman ko.
“Kaya naman hangga’t kaya ko at may mga taong susuporta sa akin, ipagpapatuloy ko ang Wheel of Fortune sa FB. “At saka nang ginawa ko ito, napansin ko na mas dumami ang views ng mga videos ko, pati na rin likes and comments sa FB ko.”
Bukod nga raw sa kanyang Wheel of Fortune, busy rin si Tyrone sa kanyang singing career abroad.
“Sa Sabado, flight ko po sa Portugal from 14 to 16, at balik ako ng Europe on July para sa Greece at paris po, at may offer din sa London. Tapos pinaghahandaan ko rin ‘yung second album na hopefully ay ilabas ko rin sa Pilipinas,” sabi pa ni Tyrone.
Kaya naman daw sobra-sobrang pasasalamat nito sa Diyos at sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
John’s Point
by John Fontanilla