ANG UNIVERSITY Athletic Association of the Phililppines o UAAP ay nagdaraos lagi ng basketball tournament. Itong sport na ito sa UAAP ay hindi puwedeng mawala, dahil ito ang isa sa mga tinututukan ng bawat manonood at inaabangan ng mga athlete ng bawat university. Itong sport na ito ay mandatory talaga na nagaganap mula July hanggang October. Ngunit sa UAAP Season 78, nagpalit ng academic calendar kaya nagsimula na ito noong September. Ang walong(8) universities – ang AdU, ADMU, DLSU, FEU, NU, UE, UP, at UST – ay nagpa-participate dito sa Men’s, Women’s, at Junior’s (Boy’s) Tournament.
Ang tournament na ito ay nahahati sa dalawang division, ang Senior Division na subdivided sa Men’s tournament, para sa male collegiate players, at Women’s tournament para naman sa female collegiate players, at ang isang division naman ay Junior Division, ito naman ay para sa male at female high school athletes.
Bawat game dito sa UAAP ay talaga namang tinututukan dahil bilog talaga ang bola. At tila unpredictable talaga bawat season ng UAAP sa basketball, dahil minsan may mag-i-step-up o mag-i-improve, at ang iba naman ay bigla na lamang nawawala sa Final 4. Kaya ang bawat team, talaga namang sa bawat season ay ibinibigay nila ang kanilang best para mapasama sa Final 4. Pero siyempre, hindi lang sa Final 4, kuni para makuha ang title bilang Champion sa bawat season.
Mayaman sa history ang UAAP, dahil napakaganda ng mga naitalang record mula simula pa lamang hanggang ngayon. Isa na rito ang pinanghahawakan at still the longest winning streak sa UAAP Basketball Men’s division ay ang 7 consecutive basketball title ng University of the East mula 1965 hanggang 1971. Sumunod naman ang naitala ng Ateneo De Manila University na 5 year winning streak mula 2008 to 2012. Meron ding dalawang university na nag-end ang championship streak nila sa 4, ang UST na mula 1993 to 1996 at ang DLSU mula 1998-2001.
Sa UAAP Basketball, marami-rami na rin ang mga nabuong rivalry. Friendly game naman bawat laban, tulad ng FEU-UE rivalry na binansagan o tinawag na Battle of the East, Ang Ateneo-La Salle rivalry, at meron din dati na La Salle-UST rivalry.
Ang FEU-UE rivalry o Battle of the East, bago pa man ang Ateneo-La Salle rivalry ay meron na nito, dahil noon ay sila ang madalas magharap sa Finals. Sila rin ang mga nasa Top, kung saan ay maraming basketball championship title, ang FEU ang nangunguna na may 19 championship title, at sumunod ang UE at UST na may 18 championship title.
Nabuo rin ang Ateneo-La Salle rivalry na tila tuwing game nila ay sold-out lagi ang tickets. Kaya minsan ay second game sila at hinihiwalay ang ticket dahil mabenta ang game nila dahil sa rivalry. At sila ang sumunod sa UE at UST na meron namang pareho, ang Ateneo at La Salle na 8 championship title, at sumunod ang UP at NU na defending champion na may 2 championship title, at ang Adamson naman na may isang championship title.
Meron din La Salle-UST rivalry na namuo dahil sa numerous basketball championship matches nila at tila nawala rin.
Kaya abangan natin taun-taon ang UAAP, dahil marami pang kaganapan at maaaring mabuong rivalry sa bawat university.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo