MAPAPANOOD na sa iWant ang sports documentary series titled Dayories featuring three UAAP superstars Ricci Rivero (UP Fighting Maroons), Ange Koame (Ateneo Blue Eagles) and Rhenz Abando (UST Growling Tigers).
Mapapanood sa docu series ang tungkol sa pinagdaanang depression ni Ricci na ayon sa basketbolista ay nagsimula nung mapagbintangan siyang gumagamit ng illegal drugs habang kasali pa sa Green Archers team ng La Salle.
“Kasi nga, siguro po do’n sa story ko nga I’ve been through so much like yung sa… and siguro nga naging comfortable lang ako with La Salle – high school until college — kaya depressing yung nangyari, na nawala ako sa La Salle.
“And then, feeling ko talaga that time do’n na ako magga-graduate, and all that, na I will finish my college there and I will play for them for the rest of my UAAP career. For me kasi yung UAAP are the best days of a basketball player talaga so sobrang thankful ako for that.
“But then yon nga, because of some problems I have to transfer, and siguro yung problems na yon parang nag-boom talaga siya and parang most of the people around me talaga are talking about it and some are judging me and all that. But then I have to siguro take it in a positive way lang kasi it’s gonna be hard nga for me to take of it in a problematic way,” dire-diretsong paliwanag ni Ricci sa dahilan ng kanyang depresyon noon.
Nagpaliwanag rin ang basketball heartthrob kung paano niya hina-handle ang mga bashers.
“I don’t take it in a negative way, na iisipin ko siya as a problem. Binabasa ko talaga yung iba, yung mga iba kasi may point din naman sila. May times din talaga na mali rin ako so siyempre, I have to do something na how do I fix myself kasi nagkakamali po tayong lahat.
“Yung iba naman hinahayaan ko na lang kasi parang wala lang siguro silang magawa, so kung magagalit ako pareho lang kaming magiging masama,” paliwanag pa ni Ricci.