PANIBAGONG SEASON na naman ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP ang magbubukas sa darating na September 5, 2015. Kung ang iba sa atin ay nagtataka kung bakit kaya sa September naganap ang opening ng UAAP Season 78, samantalang sa mga nakaraang season naman ay tuwing July nagsisimula ang panibagong season? Dahil ito sa paglipat din ng Academic Calendar ng ilang unibersidad na kalahok sa UAAP tulad ng Ateneo, La Salle, UP, UST, at FEU. Ang tatlong unibersidad naman, ang UE, NU, at Adamson ay nananatili ang dating school calendar, pero ayon sa tatlong unibersidad ang paglipat ng opening ng UAAP Season 78 sa September ay hindi naman makaaapekto sa kanila.
Ang University of the Philippines (UP) ang host ngayong UAAP Season 78 na may temang “Tumitindig, Sumusulong.” Sa tuwing magbubukas ang panibagong season ng UAAP, may ina-assign na host para sa UAAP, ang nakaraang host ay ang UE, ngayon naman, ang UP sa season na ito.
Ang kahulugan ng temang “Tumitindig, Sumusulong” ay para magsama-sama, o pagtibayin pa ang teamwork sa kada grupo, sa madaling salita ay mag-kaisa pa tayo lalo. Lalo nating patindiginin at pasulungin ang pagkakaisa sa ating lahat, hindi lang sa grupo-grupo ng bawat unibersidad, kundi maging sa bawat unibersidad na kalahok na ito.
Pagtibayin ang teamwork, at sportsmanship din sa ating kapwa. Talaga naman na sa bawat season ay patindi nang patindi ang labanan mapa-basketball, volleyball, cheerdance competition, at iba pa. Naghahanda na nang sobra-sobra ang bawat kalahok, bawat unibersidad para sa season na ito.
Ngayong season kaya, may bago na kayang tanghaling champion sa UAAP Basketball, o made-defend ng NU Bulldogs ang kanilang title sa pagiging champion last season? Noong UAAP Season 77, ang NU Bulldogs at FEU Tamaraws ang nagharap sa Finals ng UAAP Season 77 Basketball Men’s Finals. Ngayong season kaya, sino ang papasok sa Final Four at ang magwawagi?
Back-to-back champion naman ang Ateneo Lady Spikers sa UAAP Volleyball kontra De La Salle Lady Spikers. Ngayong season kaya, mai-spike kaya nila ang mga kalaban para depensahan ang kanilang titulo sa pagiging champion, o may bagong kampyon na hihirangin sa season na ito?
Pumunta naman tayo sa UAAP Cheerdance Competition na ginaganap naman kada season, kung saan ang 8 unibersidad ay magpapasiklaban ng mga kamangha-manghang mga stunts, pyramid, dance, at iba pa.
Ang National University o NU Pep Squad naman ang defending champion na nagkampiyon sila nu’ng UAAP Season 76 na may Arabian theme, at nu’ng Season 77 naman na may inspired theme na “Pocahontas”. Pumangalawa naman ang UP Pep Squad na may temang “Equality” at pumangatlo naman sa puwesto ay ang UST na may theme na “Chinese Dynasty”. Itong season kaya ay mag-champion muli ang NU Pep Squad para sa kanilang pangatlong titulo o may panibagong kampyon para sa season na ito? At sinu-sino kayang mga unibersidad ang papasok sa Top 3 ng UAAP Cheerdance Competition.
Nakaka-excite na dahil magbubukas na muli ang panibagong season ng UAAP, kaya tara at panoorin ang mga laban ng bawat Unibersidad pagdating sa Basketball, Volleyball, Cheerdance, at iba pang palakasan.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo