KAMAKAILAN, IPINAGDIWANG ang Teacher’s Day sa buong mundo. Sa ating bansa, natabunan ang mahalagang paggunita ng okasyon ng maraming political events at pag-aresto muli ni dating Pangulo Gloria Arroyo. Ngunit ‘di pa huli upang talakayin ang paksa.
Kasunod ng aking magulang, ang aking mga naging guro ang pinagpipitaganan kong nilalang. Dakila. Magiting. Idolo ng sakripisyo at pagmamalasakit. Hanggang ngayon buhay na buhay ang kanilang alaala.
Sa edad na 89, buhay at medyo malakas pa ang naging guro ko sa grade 6, si Mrs. Inciong. Ayon sa aking mga kapatid, lagi pa raw akong tinatanong at kinakumusta. Biktima ng arthritis at rayuma, naka-wheelchair na siya. Ilang beses kong binalak na bisitahin siya, subalit laging nahahadlangan ng ibang bagay. Isa pa, ayaw kong makita siya ng ganyong kundisyon.
Pinalad ako na nag-graduate with honors sa elementary. Salamat sa suporta at inspirasyon niya. Pagkatapos ng graduation, nagkita kami. Iho, patuloy mo ang hilig sa pagsusulat. May talento ka. Ikaw ay magtatagumpay. Laging tumawag sa Diyos. Wika niya. Hanggang ngayon napkukit ang kanyang payo sa aking alaala.
Si Mr. Artemio Jaurigue ay English teacher ko sa Ateneo de San Pablo High School. Kung buhay pa siya ngayon, marahil 80 anyos na siya. Siya ang speech coach ko sa elocution contests na karamihan ay pinanaluhan ko. Higit pa sa kapatid ang pagturing niya sa akin at sa kanya ko namana ang pagkahilig ko sa orchids.
Si Dean Jose A. Lansang, professor ko sa Journalism sa Lyceum of the Philippines ay gintong butil sa aking alaala. Sa pagkamakabayan, mahirap mahigitan siya. Kilala at batikang manunulat, pinanday niya ang murang isip ko sa maraming aral, ‘di lamang sa pagsusulat, kundi sa pagmamahal sa bayan at pagkalinga sa mga kapos at naaapi. Pumanaw siya sa edad 82 at hanggang ngayon dala ko pa ang pagdadalamhati.
Nu’ng 1962, tatlong araw at gabi ako sa loob ng Cursillo House sa Pagsanjan, Laguna. Dito ko napalalim ang aking pananampalataya at kung paano ang pinanampalatayang ito ay mai-ugnay ko sa aking buhay. Magagaling na rolistas ang nagsasagawa nito. Pinakamalalim kong spiritual experience na hanggang ngayon damdam ko.
Ugoy ng duyan. Sila ang mga nilalang na nagsaplot sa aking kailangang karunungan at pinanam-palataya sa pakikibaka sa buhay. Sila ang umugoy ng aking duyang buhay.
SAMUT-SAMOT
SINIKSIKAN NG napakaraming commercials ang final games ng UST at Ateneo sa katatapos na UAAP tourney. Ikinayamot ito ng maraming manonood. ‘Di ba ang Pay TV ay dapat wala nang commercials? Ganito ang pagkaganid ng isang dambuhalang TV-radio network na sobra ring kino-commercialize ang coverage ng mga pumapanaw na celebrities kagaya ni Dolphy at Jesse Robredo. Nu’ng ang may-ari ng network ay pinamamahalaan ang Meralco, katakut-takot ang pinapasan ng consumers dahil sa maya’t mayang pagtataas ng presyo.
SAAN NA ba ang bansa patungo? Mid-way na si P-Noy subalit hanggang ngayon ‘di pa natin alam kung saan tayo tutungo. ‘Di ramdam ang industrialization o paglago ng kabuhayan sa rural areas. Sa halip na factories at manufacturing plants, mga shopping malls ang nagsusulputan. Consumption! Consumption! Zero production. Paano tayo uusad?
MORE THAN half of Filipino Catholics have not gotten married in churches according to Radio Veritas. CBCP media office director Msgr. Pedro Quitorio described the development as “very alarming”. “The foundation of the Christian family is Christian marriage. You can’t form Christian families without Christian marriage,” said Bishop Bacani. Surveys said the reason for this is the exorbitant fees of church marriage.
TREND SA dalawang TV networks ang mga palabas ng kaliwaan ng mag-asawa. Ganito rin sa mga local films kagaya ng “The Mistress”. Nakababahala ito sa moralidad ng manonood lalo ng kabataan. Sa mga teleserye, pareho rin ang sitwasyon. Sigawan, patayan, intriga. Bakit naglaho ang wholesome family shows kagaya ng “Oras ng Ligaya” o “Student Canteen” nu’ng 70s? Mga ito ang tinatawag na signs of the times. Masyado nang nag-deteriorate ang moralidad sa buong mundo. Sa Katolikong simbahan, marami ring gusot. Katulad ng butler ng Santo Papa na pinarusahan ng pagkabilanggo dahil sa pagnanakaw ng sensitibong documents sa Vatican. Mga pari ay nasasangkot din sa eskandalo kagaya ng phedophilian. Kailangang ibalik ang malalim at wastong pananampalataya na nasasaad sa Banal na Aklat.
PAPURIHAN NATIN si Sen. Jinggoy Estrada sa pagsasabatas niya ng Kasambahay Act. Ang batas ay nagbibigay ng wastong suweldo at privileges sa mga kasambahay. May proteksyon din sila sa pang-aabuso. This is a landmark legislation which will be a lasting credit to Estrada. Ano kaya ang balak niya sa 2016?
NAIA, ASIA’S worst airport. Panibagong dagok na naman ito sa tourism industry at imahe ng bansa. Iba pang worst airports of Asia are: Mumbai, Islamabad, Lugore’s , Kalkata, Hanoi, Chenmai, Kuala Lumpur’s low-cost carrier Termal and Bali. Describing the NAIA, an observer said, “Travellers continue to complain about the long and numerous queues that begin outside the terminal. Once inside, there will be no time for maps and certainly no place for quiet rest and enjoyment as you’ll be busy going through various queues for the next few hours as you proceed to your gate.” There goes more fun in the Philippines!
LAGANAP ANG respiratory ailments dahil sa papalit-palit na klima. Para makaiwas, uminom ng Vit. C, iwasto ang pagkain, uminom ng maraming tubig at mag-exercise. Iwasan din ang mga crowded places kagaya ng palengke at shopping malls. Unang sen-yales ng sakit, uminom ng gamot at magpahinga. ‘Pag lumala, takbo sa manggagamot para sa dagliang lunas.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez