Ang pagkuha kay Carlo Aquino para gumanap bilang Peter sa pelikulang Ulan ni Nadine Lustre sa Viva Films ay naging madali lamang ayon sa director itong si Irene Villamor.
“We had breakfast just to talk about the role, and he said nakwento ko na sa kanya dati yung concept so of course he’ll do it. Wala nang pitch pitch,” sabi ng director.
Pinuri niya ang award-winning actor dahil sa husay nitong unawain at maging connected sa kanyang karakter. Dagdag pa ni direk, “He makes my job so much easier because I don’t explain a lot when I talk to him. There’s a click that happens and there he is, right there being Peter.”
Grateful and proud si Direk Irene na maipalabas ang ganitong klaseng pelikula sa mainstream.
Ayon sa kanya, “Hindi biro ang sugal ng VIVA (for producing) and N2 (for line producing)… We were doing something different…I have all these people in the production na kakapit kamay at laging susubok at hindi takot magkamali – my staff and cast.”
AngUlan ay produkto ng labis na pagmamahal at pagsisikap sa trabaho. Kasama sa team ang award-winning cinematographer na si Neil Daza.
Para kay Nadine Lustre, na tumanggap ng maraming papuri dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang “Never Not Love You”, ito ay bagong pagkakataon na magningning sa labas ng kanyang love team.
“I’m really, really excited kasi maganda talaga ‘yung story; it’s more about self-love,” wika pa niya.
Kasama rin sa Ulan sina Marco Gumabao at AJ Muhlach. Palabas na ang pelikula sa March 13, Wednesday.
La Boka
by Leo Bukas