Umaalingasaw na drainage

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Idudulog ko lang po sana ang problema namin dito sa mabahong drainage sa likod ng Gaisano Grand Mall sa Lapu-Lapu, Cebu. Nagkakasakit na kami sa baga dahil sa masangsang na amoy. Sana po matulungan n’yo kami sa problema namin. Salamat at more power sa inyong programa mula sa concerned citizen ng Basak, Lapu-lapu, Cebu.

Paki-check naman po ang tulay sa Pinagbuhatan, Pasig doon sa may C-6 dahil wala na pong turnilyo na nagdudugtong sa dalawang beam ng tulay. Ninakaw po. Ngayon ay delikado ang tulay lalo na kapag lumindol.

Dito sa amin ay may eskuwelahan na public school na ang mahal maningil ng bayarin sa buong school year. Pinagbabayad po kami ng mahigit P700.00. Nahihirapan po kaming mga magulang na magbayad nito.

Gusto ko po sanang ireklamo iyong hospital waste dito sa Fabella Hospital. Ang baho na po, nangangamoy rito sa waiting area ng emergency room. Ang hirap pong mag-antay at magbantay rito ng pasyente dahil napakabaho talaga.

Reklamo lang namin dito sa F. Manalo Street, Punta, Sta. Ana ay maraming naka-park na mga sasakyan na nagdudulot ng traffic. May malalaking truck pa na dumaraan dito kaya po nakaaabala talaga ang pag-park dito sa two lane lang na kalye.

Irereklamo ko lang dito sa amin iyong kalsada na ginawang parking area ng mga sasakyang pampubliko at pribado. Dito po ito sa Pag-asa Street, Brgy. Caniogan, Pasig City. Sa tabi lang po ito ng barangay hall. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat.

Magpapatulong po sana kami sa inyo na mapahinto ang mga bayarin sa public school katulad ng kuryente at test paper. Kulang-kulang P500.00 po ang pinababayaran sa mga magulang dito sa Anabo Elementary School sa Iloilo City. Sana po ay matulungan nino kami.

Nais ko lang pong humingi ng tulong na magkaroon ng drainage sa lugar namin dahil walang lalabasan ang mga tubig galing sa bahay at lalo na kapag malakas ang ilan. May drainage na po sa ibang barangay, pero sa amin ay wala pa rin hanggang ngayon. Dito po ito sa Cabagan, Isabela.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleTeaser ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza, tinutukan ng buong bansa
Next articleMeg Imperial, wala pang balak mag-asawa

No posts to display