2019 is a good year for Cristine Reyes. Kahit nasa kalahati pa lang tayo ng taon, madami na itong nagawa at ginagawang proyekto na ikinatutuwa ng kanyang fans.
Unang-una d’yan ay ang pagbabalik niya sa pagganap ng kontrabida role na si Katrina a.k.a. ‘Miss K’ sa ‘Nang Ngumiti ang Langit‘. Nasanay na ang mga fans ni AA (palayaw ni Cristine) na inaapi itong bida sa mga teleserye niya sa ABS-CBN, but she was groomed as a hot kontrabida noong siya ay nasa GMA-7 pa lang. Ka-liga niya noon ang fellow Starstruck Primera Kontrabida na si Katrina Halili. Maganda ang reviews sa performance ni Cristine sa morning series ng ABS-CBN kahit na kung minsan ay pasaway ang kanyang wig. Ha-ha-ha!
Earlier this year ay ipinalabas sa sinehan ang kanyang first action film na ‘Maria‘. Istorya ito ng isang ex-assassin na napilitang bumalik sa kanyang madugo at madilim na nakaraan nang paslangin ng mga dating kasamahan ang kanyang asawa at anak. Under the direction of Pedring Lopez na direktor din ng Cesar Montano-Maria Ozawa MMFF entry na ‘Nilalang‘, alam na namin na matututukan talaga ang action scenes, cinematography at iba pang usaping technical.
Sa pelikula ay pinatunayan ni Cristine Reyes na hindi lang siya sexy and drama actress – she can kick your a** too!
Katulad ng kapalaran ng ilan sa mga Filipino films natin this year ay hindi nagtagal sa sinehan ang ‘Maria’. Buti na lang at na-acquire kaagad ng international streaming site na Netflix ang rights para sa pelikula at dalawang Linggo na rin itong napapanood sa nasabing platform. In fairness, #4 agad sa Non-American titles pelikula ni Cristine at may mga nababasa kaming tweets na hindi nila akalain na mula sa Pilipinas ang ‘Maria’. Siguro ay nasanay ang international audience na puro romcom ang nakikita nilang titles kaya manghang-mangha sila sa action film na ito.
Talagang astig ang mga fight scenes ni Cristine dito. Hindi rin matatawaran ang galing nina Ivan Padilla at KC Montero bilang mga kontrabida. Ang girl-to-girl fight sequence nina Viva Hot Babe Jennifer Lee at Cristine Reyes ang isa sa pinupuring parte ng pelikula.
May ilan na nagrerequest na sana ay magkaroon ng sequel ang ‘Maria’. Ayon sa mga nakapanood, tila parang babaeng version ni John Wick si Maria. Sana sa sequel nito ay bigyan ng production ng pansin at oras ang kuwento ng ‘Maria’ dahil kailangan namin ng makakapitan. Yes, panalo na sa technical and action sequences, pero mas magiging invested kami kay Maria kung may laman ang kuwento nito.
Maliban sa teleserye at action movie, nakatakda rin magbida si Cristine sa isang thriller-drama na may tentative title na ‘Untrue’ with Xian Lim.
Once again, congratulations kay Cristine Reyes, Direk Pedring Lopez at sa lahat ng bumubuo ng ‘Maria’! Keep fighting!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club