THERE IS LIFE after Kapamilya Network. Angkop ito kay Xian Lim na from being a Star Magic talent at Kapamilya star ay lumipat ito sa Viva na ngayon ay mina-managed siya ng Viva Artist Agency.
Ang akala nga namin ay mage-end na ang karir ng aktor na umusbong ang takbo ng kanyang pagaartista nang ipareha siya kay Kim Chiu na kalaunan ay naging real love niya na nagsimila lang as screen partner.
Kahit walang teleserye na napapaanod ang mga fans niya, santambak naman ang naging bunga ng desisyon ni Xi na lumipat sa Viva.
Hindi man malaki ang role niya sa huling pelikula niya as record producer sa Sarah Geronimo starrer na Miss Granny, this time, siya ang leading man opposite Louise delos Reyes sa romantic movie na Hanggang Kailan kung saan he plays the role of Donnie sa direksyon ni Bona Fajardo na produced ng Viva Films together with BlurArt Productions and XL8.
Sa movie na ito na nag-shooting pa sa Saga, Japan to catch the air balloon festival ay part-producer siya. In short ay part financier siya sa pelikula nila ni Louise.
Last year, 2018, bongga ang naging takbo ng career ng aktor dahil napili ang first directorial film niya na may titulong Tabon na isang suspense thriller na siya ang director na mapasama sa Cinemalaya 2019.
Sa pelikula nila ni Louise, sa kagustuhan na maging maganda ang pelikula lalo pa’t co-producer siya with his newly established XL8 film production, nakikiaalam siya sa ilang detalye sa pelikula. “Sobrang hands on kasi ako, e. Artista kasi ako kaya ang taas ng level na nararamdaman ko kapag may kailangan yung mga tao sa paligid. What’s gonna make everyone comfortable, ibibigay ko hangga’t sa kaya ko,” kuwento niya sa group of press na dumalo media conference ng pelikula recently.
For this new year 2019, expect more from Xian.
A film with Cristine Reyes na may working title na ‘UnTrue’ na baka sa Georgia (na part ng dating USSR) ang location ng shooting and come February 15 ay aalis ang production at cast for Russia and a collaboration with singer-composer Marion Aunor na magpapakilala sa actor-siger-painter on a different perpective pagdating sa musika.
Reyted K
By RK Villacorta