RYZA CENON is undoubtedly the hottest kontrabida on Philippine TV today. Sa katunayan, may ilang televiewers na ‘Georgia’ na talaga ang tawag sa kanya. Kahit kasumpa-sumpa ang karakter niya sa Ika-6 na Utos, love na love naman nila ang tunay na Ryza.
Hindi mabibigyan ng pansin ng GMA-7 si Ryza Cenon kung hindi niya ginalingan ang performance niya sa ‘Ang Manananggal sa 23B’, kung saan ginampanan niya ang papel ni Jewel na isang manananggal na pumapatay ng mga masasamang tao at umibig sa isang lalaki (played by Martin del Rosario).
Through the film ay natauhan din sa wakas ang management ng Kapuso network na bigyan ng lead kontrabida role ang Starstruck 2 Ultimate Survivor at successfully ay nakipagsabayan ito with Sunshine Dizon, na talagang may loyal fanbase pagdating sa heavy dramas.
Ipapalabas na in cinemas nationwide ang pelikula ni Ryza simula August 16 as part of Pista ng Pelikulang Pilipino at sa recent press con nito ay inamin niya na dumaan siya sa depression to the point na she almost committed suicide in the past years.
“Kung minsan kasi, pumapasok siya sa isip ko kapag nade-depress ako. Parang feeling ko, ‘yun na lang po ang solusyon” pag-amin ng dalaga.
Ikuwinento pa niya ang una niyang suicide attempt na nangyari pagkatapos niyang manalo sa Starstruck. Na-involve kasi siya sa hiwalayan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado noon. During that time, malakas talaga ang tambalan ng MarkJen at nag-split ang dalawa. Si Ryza ang itinurong dahilan ng mga bashers at dahil baguhan pa siya showbiz, hindi niya ito kinaya.
Sa paglalahad niya, ni-reveal niya na kinolekta niya ang mga silicon na makikita mo sa mga sapatos (‘yung nakapakete na bawal kainin) at nilagay niya sa kumukulong tubig at ininom niya.
Luckily, she survived at ang naging side effect lang ng ginawa niya ay nakatulog siya.
Sa ngayon ay masayang-masaya si Ryza sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Maliban sa patuloy na pag-arangkada ng Ika-6 na Utos at ng mainstream showing ng Ang Manananggal sa 23B, bida rin siya sa bagong pelikula ng Viva Films where si JC Santos naman ang kapartner niya. Ang director pa niya ay si Sigrid Andrea Bernardo, na mabenta ngayon dahil sa success ng Kita Kita.
Nawa’y maging inspirasyon si Ryza sa mga taong may depression. Hindi ito dapat ginagawang biro at importante na magkaroon ka ng maayos na support system whether that is family, friends or your special someone.