BA’T GANO’N ANG feeling? Bihira lang naming makita sa TV, pero everytime natitiyempuhan namin ang guesting niya sa variety shows ng ABS-CBN, parang nababawasan ang paghanga namin sa kanya?
Ang tinutukoy namin ay ang international star na si Charice Pempengco. Ilang taon na ba ‘to? Seventeen years old? Pero ba’t gano’n? Kung umasta, parang kuwarenta na?
May kinalaman kaya ito sa pagpapa-blonde niya ng hair? O, sa bihis niya? O, sa kapal ng kulapol ng make-up niya sa mukha?
Nu’ng umawit siya kasama ang ibang singers sa May Bukas Pa, mahahalata mong tumulo ang luha niya, dahil gumuhit sa mukha niya ang luha.
Sabi nga namin, inalis na ni Charice ang kanyang kabataan sa mukha. Heavy ang make-up, grabe. Nawala na talaga ang kanyang pagkabata.
AND SPEAKING OF Charice, dapat sana’y guest siya sa Showtime kahapon. Kaso, nalokah na lang ang staff, dahil 5:30 A.M. ay tumawag ang madir para sabihing hindi sila makapupunta sa Showtime dahil me biglaang interview si Charice sa Italian Embassy.
Ngek? Tinaguriang International Star, hindi professional? Porke nag-guest na sa Oprah at kay Ellen Degeneres, parang okay lang na hindi maka-attend?
Kung babasahin namin ang mukha ng mga staff ng Showtime na super fan ni Charice, sobra silang disappointed. “Ewan ko, ha? Ang alam kasi namin, ‘pag embassy, merong ibibigay na sked sa inyo for interview, eh.
“Juice ko, nakakalokah, Tito Ogs, hagilap kami talaga ng guest, dahil 5:30 A.M., nagkansel ka, eh, 10:30 A.M. ang show?
“Kaya super thankful kami kay Frenchie Dy, dahil hindi kami nagdalawang-salita. Umoo agad siya. Lalo na kay Vice Ganda na sobrang hiyang-hiya kami, pero siya na ang nagkusang saluhin si Charice.
“In fairness, panalo naman ang number nu’ng dalawa sa ‘Magpasikat.’
“Eh, si Charice?”
“Hayaan mo na siya. Basta nakaraos kami.”
NAPA-”WOW!” KAMI nu’ng ipasa sa amin ng aming EP na nag-number one again sa primetime shows ang huling yugto ng May Bukas Pa nu’ng Friday.
Sa national ratings ay nakakuha ng 47.3, sa Megamanila naman ay 38 at sa Metro Manila ay 39.7 ang May Bukas Pa.
At nakatutuwang malaman na marami palang “Kapuso” ang nagwa-watch ng May Bukas Pa. Kasi, nag-text sila sa amin, pero kabilin-bilinan nila ay ‘wag naming isusulat na nanonood sila ng Kapamilya Shows.
“Iba talagang humagod ng kuwento ang Kapamilya Shows,” sey sa amin ng isang Kapuso actress. “Laging may impact. Samantalang kami, parang walang impact ‘pag nag-e-end, ‘kalokah!”
ME TEXT BRIGADE ba kayong natanggap kahapon? I-tsinitsismis sina Richard Gomez at Gretchen Barretto na may ginawang kababalaghan sa isang party. Medyo graphic pa ang description, pero hindi na namin isusulat. Basta iki-keep lang namin ang message.
Kawawa na naman si Gretchen nito, if ever. Hindi rin namin alam kung meron lang naninira ke Gretchen.
Ewan kung halatang pinagseselos lang ang darating sa party (nauna kasi si Goma na dumating) na si Lucy Torres o black propaganda lamang ito, dahil tatakbo ngang congressman si Richard.
Ano sa palagay n’yo?
‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Daddy Eric B, Ms. F at Fwend Rommel Placente.
Oh My G!
by Ogie Diaz