WOW, PARE KO, patok ang performance ni Shalani Soledad nu’ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng “Wil Time Bigtime”, variety show sa Channel 5. Ang super mahinhin na Shalani ay todong umindak, sumayaw sa awiting “Crazy for You”. Halos bumagsak ang palupo ng Araneta Coliseum sa dagundong ng tili, sigaw at palakpakan. What a magical revelation! Naisigaw ko pagkatapos ng sterling performance. Ito rin palagay ko ang sigaw ng milyun-milyong viewers nu’ng Oct.23.
May kaibang halina sa pag-indak at pag-awit ni Shalani. ‘Di kayang ipaliwanag. Ngiti at kislap ng mata ay nakakatunaw ng puso. Bigla siyang nagkaroon ng “animal” appeal (pardon the word). Wari ko, aprub dito si Cong. Romulo. Hehehe!
Welcome addition din si Mariel Rodriguez as co-host. Click silang dalawa. Kapuri-puri ang mga commercials na very entertaining. Talagang unsinkable si Willie Revillame. Inggit lang ang mga naninira sa kanya. Mahalaga, si Willie ay tumutulong sa mahihirap at nagdudulot ng aliw sa kanyang milyun-milyong viewers.
All cards on the table, sa wikang Ingles, ang suporta ni billionaire MVP sa show. Kumakain ng alikabok ang ibang variety shows. Dapat kabahan ang Channel 2 at 7. Pababa nang pababa kanilang ratings sa variety shows.
Sige, Shalani, ‘wag ka lang umindak, kumendeng ka pa. At total performer ka na. Hehehe!
SAMUT-SAMOT
KUMUNOY. ITO ANG option ng pamahalaan sa isyu ng Mindanao rebellion. Hati ang opinyon ng tao. Tila ‘di well-briefed si P-Noy sa malubhang isyu. Subalit sang-ayon ako sa kanyang “calibrated response”. ‘Di pinatulan ang mga war freaks. Nagpamalas siya ng mature wisdom at leadership.
Subalit may hangganan ang ganyang aksyon. Sobra nang demoralized ang military sector. Ang threat ng camp ay ‘di dapat isantabi. Dapat tingnan ng pangulo ang bagay na ito.
May katwiran din si dating pangulong Erap. Kai-langang may deadline ang peace talks. Sa tingin niya pinaiikot lang ang pamahalaan. Isang malaking strategic error ang pakikipag-usap ng pangulo sa MILF leader sa Tokyo. Payo ni Sec. Deles. Ay, mga utak biyakin, itapon sa kumunoy!
Suhestiyon ng marami, dapat agad-agad pinatugis ng Pangulo mga rebelde pagkatapos ng ambush. Hinintay pa ang isang linggo bago ipatugis sila. Saan pa makikita ng rebelde? Ang indecisiveness ng pangulo ay nakakabahala. Hilaw pa marahil sa isip at karanasan. ‘Yon ang dahilan.
‘Pag wala na sa media ang problema, balik uli ang complacency ng mga military at liderato. Ganyan ang kultura ng mga Pilipino. Ningas-kugon. Dahil kaya sadsad tayo sa kahirapan.
INTERESTING READING ANG autobiography ni Steve Jobs. Itinuturing genius of our century sa larangan ng computer. ‘Di siya sakim sa kayamanan o katanyagan. Simple ang pamumuhay. Ngunit perfectionist ang ugali niya kaya mahirap maging subordinate. ‘Di rin siya maliwanag na naniniwala sa Maykapal at afterlife. Buong mundo, dumadakila sa kanyang alaala.
SPEAKING AS A politician, idiniin ni dating pangulong Erap kamakailan na ‘di siya tatakbo as Manila Mayor. Natural lang na ipahayag ito. Malayo pa ang eleksyon at ‘di pa tapos ang kanyang surveys. Titining ang katotohanan sa Feb. 2012. By this time, maglalabas siya ng baraha.
Maraming nagsasabi, picking apples ang chance ni Erap. Pagod at inis ang mga Manilenyo kay Mayor Lim. Tingnan ang sitwasyon ng siyudad. Pinakamarumi at pinakamabaho sa buong Asya. Alis d’yan!
NIGHTMARE MANOOD SA local TV shows. ‘Pag ‘di intriga o kabaklaan, patayan at kung anu-ano pang kabalbalan. Most TV shows are dangerous to children’s mental health. Lalo na ang mga teleserye sa Channel 2. May MTRCB pa ba? Hoy, gising!
Paborito ko sa Sunday ang “Rated K” ni Korina Sanchez sa Channel 2. Very professional at interesting, ang mga episodes ay interest topics. Swabeng host si Korina. ‘Di magaya kanyang programa. Mabuhay ka, Ate Koring!
PARANG ISANG IGLAP binatilyo na ang apo kong si Anton. Nag-iiba na ang boses at tumangkad nang husto. Medyo may kakulitan pa. Nahihilig sa very physical sports like boxing at judo. Sa kanya ko nasasalamin ang nakalipas kong kabataan. Bakit kaiba ang pagmamahal ng lolo sa apo? Dahil ba ang apo ay tubo sa puhunan.
Quote of the Week
For good
“Somewhere in my youth or childhood, I must have done something good.”
Life was simpler, more pure, and more joyful when we were children.
However, goodness doesn’t have to end with our childhood. Goodness goes on.
Goodness is our life mission. Goodness is, for good and for always.
A moment with the Lord
Lord, help me to be good, even after I’ve lost my childhood.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez