NAKAKALOKA ang mga kaganapan last Saturday.
Matapos na i-announce ang apat na pelikulang pasok sa MMFF 2017 ay nagkukumahog ang mga nagne-nega lalo na sa kampo ng mga hndi napili na mapabilang sa 8 pelikula, sunod-sunod ngayon ang mga questions and controversies.
Last Friday ay inihayag ang unang apat na kalahok na mga pelikula para sa MMFF 2017.
Ang mga kabilang ay ang pelikula ni Coco Martin na “Ang Panday”; ang kina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na “The Revengers”; Jennlyn Mercado-Jericho Rosales’ “Almost is Not Enough” at kay Bossing Vic Sotto na “Love Traps #Family Goals”.
Hindi man diretsahan at malinaw ang dahilan ng pagre-resign nina Rolando Tolentino (academician mula sa UP College Mass Communications); Ricky Lee (screenwriter) at Kara Magsanoc-Alikpala (Broadcast Journalist) na mga members ng 2017 Execom; ang basa ng nakararami ang pagpasok sa listahan ng naturang apat na mga pelikula na positibo na magpapasok ng malaking kita sa box-office (na hindi napantayan man lang ng nakaraang kita ng MMFF 2016 ang mga previous film MMFF in the past years) ay nag-aalburoto ang mga ito.
May nagsabi na bago ang announcement, nag-resign na daw si Alikpala.
Si Tolentino, sa kanyang “Twitter account na @rolandtolentino, nag-tweet ito:
”May pag-ibig na parang 2017 MMFF script choices: some old habits are hard to break.
“Mga mads, may confidentiality clause sa MMFF. Don’t ask me to explain. The results of the script selection speak for itself.
“Patunay ang MMFF script selections na tunay ang hidwaan ng komersyal at kalidad, tunay din may kapangyarihan ang komersyal interes.
“Patunay ang MMFF script selections na walang interes burahin ang indie at mainstream distinksyon. Ang nabura, ang indie.
Ayon kay Lee: “Sa mga nagtataka at nagtatanong kung bakit ako nag-resign bilang miyembro ng Execom ng MMFF, simple lang naman ang sagot. Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako na mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016.
“Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyong mangyari. Kaya wala na ring dahilan para mag-stay pa ako,” paliwanag niya.
Kung saan hahantong ang kontrobersiya na ito ay abangan na lang natin.
Sa totoo sa lang, last December’s MMFF ay hindi masaya tulad ng mga nauna.
Kung hindi pa sa magandang review na natamo ng mga pelikulang Seklusyon at Sunday Beauty Queens, deadma ang publiko sa nakaraang MMFF.
Ang katotohanan, kumpara sa sinasabi nila na isang negosyo ang MMFF, wala pa sa kalahati ang kita ng MMFF 2016 kumpara sa mga previous MMFF noon.
Sa dinami-dami ng mga film festivals sa bansa tulad ng CineMalaya, Cinema One, To Farm, QCinema at marami pang iba ( meron pa ngayon bago, ang FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino) kung bakit nagkukumahog ang mga indie film producers na makapasok sa MMFF ay iisa lang ang nakikita ko na dahilan.
Pera, money at datung. Alam kasi nila na mas malaki ang kikitain pa rin nila pag nakapasok ang mga indie films na nito sa MMFF na para sa ganang akin, sa hirap ng buhay dahil bagsak pa rin ang ekonomiya sa pamumuno ni PDuterte ay gusto ko naman maaliw at maging masaya. P280 na ang bayad sa sine no!
Reyted K
By RK Villacorta