Mapagsaman-tala nga ba itong si Eugene Domingo kapag guwapo ang leading man niya? Kagaya ng pagkakaroon niya ng kissing scene with Dingdong Dantes sa first solo movie niyang Kimmy Dora, maingay ring napag-uusapan ngayon ang eksenang halikan nila ni Diether Ocampo na leading man niya sa kanyang latest starrer na Mamarazzi.
Kahit wala raw sa script, talagang buong panggigigil umanong sinibasib ng halik ni Eugene itong si Diether. At hindi lang daw basta halik kundi kissab o kiss sabay ngasab, ayon pa nga sa napabalita.
Nagtataasan tuloy ang kilay ng marami. Hindi naman daw sexy star si Eugene at hindi rin bold film ang proyektong pinagbibidahan niya para sa isentro nang bonggang-bongga sa kissing scene ang publicity slant ng pelikula niya?
Pinagmumukha tuloy siyang very much sexually-starved o tigang na tigang na hindi mapigil ang sarili kapag guwapong leading man na ang kanyang kapareha. Eh, hindi naman gano’n ang tingin namin sa komedyana.
Mabiro lang talaga siya at medyo maharot kasi babaeng-bakla nga. Pero para mag-take advantage na maka-score or anything sa leading man niya, pam-playtime lang siguro pero wala sa kanyang intensiyon na totohanin ito.
Iba ang husay ng isang Eugene Domingo pagdating sa pagpapatawa. At iyon kanyang bentahe na laging inaabangan ng moviegoers sa mga pelikulang tinatampukan niya.
Iyon at tanging iyon lang. Plus ‘yong kalidad ng pelikula kung entertaining at hilarious talaga. Hindi na kailangan sa publicity ang anggulong nanibasib siya ng halik or something to that effect.
Naman!
SI DIETHER OCAMPO naman, parang naging sobrang showbiz na showbiz sa pahayag niyang puwede raw siyang ma-in love kay Eugene Domingo. For someone na ang gaganda ng mga nakakarelasyon gaya na lang ng ex-wife niyang si Kristine Hermosa at ang current girlfriend niya ngayon na si Rima Ostwani, magiging kapani-paniwala ba na mai-in love siya sa komedyana?
Nando’n na kami, may mga pagkakataong hindi sa pisikal na kaanyuan nasusukat ang kagandahan ng isang tao. Pero mabuting nagpapakatotoo ka rin.
Hindi rin kasi maganda na sasabihin mo, ‘oo, puwede kang ma-inlove sa isang tao’ just because kailangan mong sabihin dahil may pelikula kayo, or just to please o ayaw mong ma-offend ang kapareha mo.
Si Eugene, wala man sa kanya ang gandang pam-beauty queen o kurbada ng katawang pam-bikini open, kumbinsido kaming she really is a beautiful person in her own right. Bukod kasi sa kanyang talent, mabait ito, at mapagpakumbaba pa rin sa kabila ng kanyang kasikatan ngayon at tagumpay.
Kung iyon lang ang mga katangiang hinahanap ni Diether sa isang babae, maniniwala na kami na puwede nga siyang ma-in love kay Eugene.
Or else, huwag na lang siyang mag-dayalog ng gano’n. Hindi kailangan. Dahil in the first place, hindi naman sila ibinibenta bilang magka-loveteam sa pelikula.
‘Yon na!
BLIND ITEM: ALAM kaya ng isang kilalang male TV host ang kuwento about him ng isang diumano’y guwapong college student na suma-sideline bilang isang pick-up boy?
Ayon sa estudyanteng ito, driver daw ng TV host ang kumausap at pumik-ap sa kanya. At sa napagkasunduang certain amount na ibabayad sa kanya, pumayag naman daw siyang dalhin nito sa isang pribadong lugar kung saan naghihintay ang TV host.
Pagpasok pa lang daw niya, parang hayok sa sex na kaagad daw siyang hinubaran at kumbaga sa pagkain ay buong kasabikang nilantakan. Hindi pa raw nakuntento sa basta normal na sexual act ng isang bading at lalaki, pinadapa pa raw siya nito at inararo ang kanyang behind.
Pero nang magbabayaran na raw sila, hindi umano sumunod ang TV host sa presyong napagkasunduan sa pamamagitan ng driver nito na siyang front sa negosasyon. Barat daw pala ang TV host na mahilig bumili ng panandaliang ligaya pero hindi naman daw tinutupad ang napag-usapang halaga kapag nakapagparaos na.
Hala! Ingat lang ang TV host na ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin naglaladlad pero hindi rin naman nagdi-deny sa isyung bading siya. Kasi baka makatapat siya ng call boy na rumeresbak violently kapag naaagrabyado sa bayaran.
Siya rin. Baka maging headline siya ng news kinabukasan!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan