Unang 4 na pelikula sa 2018 MMFF napili na; Coco Martin ididirek si Vic Sotto

Vic Sotto and Coco Martin

NAKAPILI NA ang Metro Manila Film Festival committee ng apat na pelikulang opisyal na kalahok sa 2018 MMFF base sa script na isinabmit sa kanila.

Inihayag ang apat na pelikula nitong Biyernes, June 29, sa mismong opisina na Metro Manila Development Authority (MMDA) sa harap ng mga producers at entertainment press.

Pasok sa 2018 MMFF Top 4 ang pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto na may title na Popoy En Jack: The Puliscredibles na ang producer ay MZet, APT at CCM Film Productins. Si Coco Martin din ang magdidirek ng pelikula.

Kasama rin sa apat ang Fantastica, The Princesses The Prince and The Perya na pagbibidahan ni Vice Ganda mula naman sa Viva Films and Star Cinema directed by Barry Gonzales.

Muli namang nakapasok sa MMFF ang Quantum Films project na pagbibidahan nina Kim Chiu, Jericho Rosales, Jessy Mendiola at Tom Rodriguez. The title of the film is Girl in The Orange Dress at ididirek ito ni Jay Abello.

Napili din ang pelikula ni Anne Curtis na Aurora produced by Viva Films and directed by Yam Laranas

May natitira pang apat na pelikula na bubuo sa 8 films na ipapalabas sa MMFF simula Dec. 25. Ang pagkakagawa at kabuuan mismo ng pelikula ang magiging basehan ng committee sa gagawin nilang pagpili dito. Ia-announce ang remaining 4 entries pagkatapos ng deadline sa  September 21, 2018.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleCAVITE VICE GOV. JOLO REVILLA, BALIK ESKWELA
Next articleBlind Item: Magaling na aktres, nauubusan ng projects dahil uma-attitude!

No posts to display