IPINAKITA NI SENATE President Juan Ponce Enrile ang kanyang statement of expenses and contributions report noong panahon ng kampanya.
Gumastos si Enrile ng P143 milyon noong panahon ng kampanyahan batay na rin sa dokumento na isinumite nito sa Commission on Elections, noong Hunyo 3.
Inamin ng Mambabatas na gumastos siya ng P143,084,448 sa pangangampanya niya – P137, 188,666 sa political advertisement at P5,895,782 naman sa printed campaign materials.
Sinabi pa ni Enrile, bayad umano ng maraming contributors ang P142 milyon na ginamit niya sa pangangampanya habang ang P1,084,443 milyon lang ang nanggaling sa kanya.
Inihayag din ni Enrile na maging ang kanyang anak na babae ay nagbigay sa kanya ng P8.5 milyon habang ang kanyang apong si Juan Rodrigo Ponce Enrile ay nag-donate naman ng P1.5 milyon.
Nakalagay rin sa dokumento na ang Jaka Group of Companies at mga affiliates nito ay nag-contribute ng P74,216,000 milyon.
Si Enrile ang kauna-unahang kandidato sa pagka-senador na nagsumite ng kanyang gastusin o statement of expenses at contributions. (Cynthia Virtudazo)
Pinoy Parazzi News Service