IRESPONSABLE ANG NAGING pahayag kamakailan lamang nitong papalayas ng si Customs Commissioner Angelito Alvarez.
‘Yan ang personal na paniniwala natin nang sabihin nito na ang dahilan nang pagkasibak sa kanya ni P-Noy ay dahil sa “paninira” sa kanya ng mga smuggler na kanyang nasagasaan.
UNA – Sa pahayag na ito ay nais palabasin ni Alvarez na ang ating pangulo ay naniniwala sa mga sabi-sabi o tsismis, kaya siya sinibak!
Naisip kaya, parekoy, nitong si Alvarez kung ano ang katumbas ng kanyang pahayag na ito? Na si P-Noy ay naniniwala sa sabi-sabi?
Eh, ‘di para na rin niyang sinabi na ang ating presidente ay walang bait sa sarili! Ugok ka, Angelito Alvarez!
Limiin mo muna ang mga sinabi ni P-Noy habang siya ay nasa China. Na kaya ka niya sinibak ay dahil sa napaka-miserable ang iyong performance!
Sorry Ginoong Alvarez, pero sa totoo lang, napakaungas nang pahayag mong ‘yan!
Ang ibang opisyal ng gobyerno na sinibak at/o nagbitiw sa puwesto ay hindi na gumawa pa ng anumang palusot!
PANGALAWA – Sa nasabing pahayag ni Angelito Alvarez ay may mas malalim at maruming ideya na nais niyang ibuga.
Ano pa ba Ginoong Alvarez ang nais mong ipakahulugan nang sabihin mong kaya ka sinibak ni Presidente ay dahil siniraan ka lamang ng mga smuggler na iyong nasagasaan. Ha?
Hindi ba’t para mo na ring sinabi na napapaniwala si P-Noy ng mga smuggler?
Kung magka-ganun, hindi ba’t para mo na ring sinabi na may mga smuggler na malalapit o kayang papaniwalain si P-Noy?
Matanong nga kita Ginoong Alvarez, sila rin ba ‘yung mga smuggler na nagmaniobra kaya nailusot ang 1,990 containers mula d’yan sa dulo ng tungki mo?
Tsk, tsk, tsk… kawawa naman pala, parekoy, itong si Angelito Alvarez. Kahit napakalinis niya at napakagaling sa trabaho ay hindi pa rin siya pinaniwalaan ni P-Noy. Mas naniwala pa pala si Presidente sa mga smuggler!
Oh, hayan Ginoong Alvarez ha, kinampihan na kita! Hak, hak, hak… Pwe!
PATULOY ANG PAMAMAYAGPAG ng mga iligal na sugal ni Dacne sa Quezon City.
Si Dacne, parekoy, na kilala rin bilang Danny Santos ay siya ngayong humahawak ng payong o umbrella operation nina Art Riviera at Major Dela Fuente!
Ang dalawang nabanggit na naka-payong kay Dacne ay nagpakalat sa Kyusi kamakailan lang ng 500 video karera machines.
At dahil nga naka-umbrella ang mga ito kay Dacne kaya walang katinag-tinag. Kung saan takot itong ipahuli maging ni QCPD Director C/Supt. George Regis.
Ang dahilan? Hindi lamang ang pagbibigay ni Dacne ng lingguhang intelihensiya kay Papa Mayor… Super-lakas din ito sa tanggapan ni NCRPO Chief, Alan La Madrid Purisima.
Hesus, Maria Purisima y Hosep! Walang magawa si Bistek! Hak, hak, hak!!!
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303