NOONG OKTUBRE taong 2012 lamang, inanunsyo ng Google na may humigit kumulang 700,000 apps ang maaaring i-download sa Android’s Google Play. Ang Apple naman nagsabi na may isang milyong apps ang App Store. Hindi ito labanan kung sino ang may pinakamaraming apps na nagawa. Hindi rin ito labanan kung Samsung o Apple ka ba. Pero ang mahalaga, walang labanan. Dahil kahit magkaiba ang panggagalingan ng apps, may karamihang apps pa rin na puwedeng-puwede pareho sa Android phone o iOs phone. Halos 70 porsyento siguro ng mga bagets ngayon ang naka-smartphone, kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag-download ka na ng mga babanggitin ko!
Hindi lang naman Facebook, Twitter, Instagram at YouTube ang puwedeng i-download sa Android o Apple. Marami pa kaya! Tingin-tingin din ‘pag may time.
Vine – i-record ang makabuluhang anim na segundo ng buhay mo sa pamamagitan ng app na ito! Huwag mahiya at ipagmalaki pa ito sa mga friends mo sa Facebook at followers sa Twitter!
eBay – subaybayan ang pagbebenta ng mga luho mo sa buhay sa app na ito! Para itong sulit.com ng smartphones.
What’sApp – huwag itigil ang mundo kapag wala nang load! Ituloy ang usapan! Huwag bitinin si textmate at phonepal. Mag-unli call at chat ka nang libre basta may wifi.
Pinterest – huwag gawing hanggang titig lang ang mga larawang pinagpapantasyahan, i-download ang Pinterest nang magka-cork board ka ng mga litrato ng lahat ng iyong mga gusto. Para libre remembrance na rin.
Google Search – Maging henyo sa lahat ng bagay. Mas maging matalino at mas maging mabilis ang pagsagot sa mga katanungan. I-download ang Google Search!
SoundCloud – sawa na sa YouTube? O ‘di kaya gusto lang mag-soundtrip kahit walang video, solve na. Aba, SoundCloud na nga ‘yang hanap mo.
Yelp – Gustong makatikim ng ibang putahe? Pero ang alam lang ay Jollibee at Mcdo? I-download na ang Yelp nang may aalalay sa’yo sa paghahanap ng magagandang restaurants na may kasamang reviews para lang sa ‘yo.
Groupon – mahilig sa online buying sites pero tamad mag-computer? Mag-shopping kahit nakahiga ka pa sa Groupon! Ang app na nag-o-offer ng mga magagandang deals na bilihin.
BlackBerry Messenger – Huwag pahuhuli sa barcode na ‘yan! Laya na si BBM mula sa Blackberry! Huwag sayangin ang pagkakataon, i-pin mo na silang lahat basta mayroon kang app na ito.
Google Maps – hindi mo na kailangang baliktarin pa ang damit mo kapag naligaw ka, google map lang ang solusyon diyan.
Camera 360 – maging mas maganda at pogi sa mga selfies! Camera 360 lang ang katapat niyan.
Dumb Ways to Die – aburido sa buhay? Bored na bored? Download na ang nakababaliw at nakalolokong app game na ito! Ewan ko lang kung mabored ka pa.
CandyCrush – kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Malamang! Kahit ‘di ko pa sabihin, na-download mo na ito! ‘Di ba? Divine.
Ang mga apps na nabanggit ko ay libre pa! Makasusulit ka talaga. Kaya hindi na problema kung ano pang klase ang cellphone at tablet mo dahil puwedeng-puwede ka nang mag-download ng mga nakaaaliw na universal apps nga na ating tinatawag.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo