UNKABOGABLE pa rin ang Fashion Statement: Ang Kakaibang Vice Ganda!

BASTA VICE GANDA, asahan mo iba. Kunsabagay, palagi naman siyang naiiba kumpara sa ibang mga artista. ‘Yan ang reason kung kaya’t gusto ko siya personally.
 
Sa pananamit niya, very avant-garde at very radical kung basis ng fashion sense mo ay ‘yong nakikita mo lang ang mga local “fashion” magazines na very safe at kopya sa mga US or Australian magazines. Hindi mo malamang maiintidihan ang kind of fashion ng isang Vice Ganda.
 
Kaya ang edgy fashion statement ng unkabogable box-office superstar ay palagi inaabangan ng kanyang mga followers and fans sa kanyang Sunday’s Gandang Gabi Vice dahil sa pasabog outfit niya na si Vice lang talaga ang kering-keri.
 
Sa katunayan nga,  simple ang suot niya sa 6th year anniversary ng GGV last Sunday kung saan si Megastar Sharon Cuneta ang guest niya.
 
Aliw ang halakhakan nila ni Sharon sa episode na’ yun na sigurado ako na enjoy n’yo rin tulad ko.
 
 Pasabog ang opening production number niya, huh! Effort na pinaghirapan ni VG.        
 
May nang-intriga pa nga sa social media na kung bakit sa studio lang ginawa ang anniversary episode ng GGV gayong Vice Ganda is Vice Ganda,  pero content wise with Sharon as special guest, may hahanapin ka pa ba? Sapat na ‘yun plus ang pakawala nila na mga pa-premyo para sa mga loyal followers ng show at  fans ng komedyante
 
Sa estado ng Vice, may insecurities pa ba siya?
 
Ako na ang sasagot dahil kampante siya sa estado niya. Wala siyang dapat pang ika-insecure. Ang track record niya sa mga nagawang projects in the past ay sapat na at hindi kuwestyunable.May dapat pa bang ika-insecure si Vice? Sa ganang akin ay waley na.
 
 
 
Just like last Monday sa Mega (the fashion magazine) Millennial Ball na isinagawa sa City of Dreams na dinaluhan ng mga showbiz celebrities ay naiiba na naman si Vice sa suot niya na white outfit n simple lang na aay mahabang cape with a statement na malaking texto in red  #prayformarawi na may mga maliliit na printed word as background like Fake News, Family at kung anu-ano pa. Madami ang nag-like sa social media at naging viral.
 
Vice Ganda’s Pray For Marawi Dress
 
‘Yong statement niya sa kanyang radical at edgy fashion last Monday ay love ko.
 
This is one reason marahil kung bakit gusto ko ang pagiging straightforward niya na para sa iba ay masyadong direkta na hindi siya matanggap until now.
 
Sa mga nakakahon na isipan: Ang mga celebrities natin ngayon ay hindi lang pang showbiz na kakanta, magho-host at aarte lang sa telebisyon, entablado, pelikula at social functions.
 
Ang mga celebrities na tulad nina Vice at Angel Locsin (na sumugod sa war zone ng  Marawi) ay alam ang kanilang social responsibilities dahil sila na  mismo ay alam nila ang impluwensya na magagawa nila sa publiko at nakararami.
 
Sa pagiging prangka, irreverent at pagiging diretso ni Vice: Alam ko hindi lahat ay gusto siya (but this is an old issue na kaya deadma na lang) pero dahil kakaiba ang utak, ideya at istilo ni Vice at ang stand niya sa bawat usapin, gusto ko ang isang Vice Ganda na parang ako na kung ayaw mo sa akin ay bahala ka at hahayaan ko na problemahin mo ako. Kebs ko! 

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleBYE, ELNELLA: Pelikula nina Elmo Magalona at Janella Salvador, iniwanan ni Direk Jun Lana!
Next articleTRANSFORM PA MORE! Paolo Ballesteros, pinabilib si Wonder Woman Gal Gadot!

No posts to display