Unsinkable Erap

MAHIGIT NANG DALAWANG dekada ang pakikipag-kaibigan ko kay Pangulong Erap. Kilala ko siya tulad ng pagkakilala ko sa aking taghiyawat sa mukha. Ang mga moods niya ay makikita sa paggalaw ng kanyang legendary bigote. Dito ko makikita kung ayaw o gusto niya ang isang tao o bagay. Ganyan kalalim ko siya kilala.

Minsan isang linggo, nagkikita kami over lunch sa kanyang bahay sa Polks, Greenhills. Kasama ang iilan at piling mga dating kaibigan. Sarap lagi ang handa. Si Erap ay isang gourmet at tsampyon mag-luto. Paborito niyang lutuin ay bacalao at pochero. Mahigit na siyang 74 anyos ngayon. Subalit may tikas pa, may panghalina pa ang mukha, at may alindog pa ang mata. Malakas pa ang tuhod at of course, maya’t maya nagsisindi pa ng kanyang paboritong Camel cigarette.

Kakaibang tao si Erap. Sa dami ko na ring naging mga kaibigan, si Erap ‘ika nga ay a diamond cut above the best. Nu’ng siya’y na-impeach, iniwanan siya ng halos lahat ng kaibigan. Lalo na ‘yung mga nakinabang sa kanya. Sa kanyang kulungan sa Veterans Hospital at Tanay, karatig niya ako sa kanyang paghihirap at pagdadalamhati. Naramdaman ko ang hapdi ng pinagtaksilan. Ngunit lagi niyang wika sa akin: “Pinatatawad ko na sila. Only the strong can forgive.” ‘Di ko noon naintindihan si Erap. Ngunit ngayo’y alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Ang pagmamahal niya sa masa ay pinaka-genuine at authentic na namalas ko sa aking buong buhay. May binabalak akong aklat tungkol dito. Naghahanap lang ako ng publisher. Maraming true-to-life acts of generosity sa mahihirap ang aking bibigyan ng saksi. Maraming pusong maaantig. Maraming luha ang dadaloy.

Ang pagkakaibigan namin ni Erap ay tinahi ng damdamin ng pagmamahal sa mahihirap. Ang pagmamahal sa mahirap ang akin ding buong buhay na advocacy. Yumabong pa ito nu’ng nakasama ko siya.

Ewan ko kung may makahihigit pa sa kulay ng kanyang buhay at kasaysayan. He is a winner in everything. His heart is always in the right place. And he is ever compassionate and forgiving. Minsan may mga taong nagsabi sa aking masama si Erap. Corrupt. Babaero. Lasinggero. In other words, walang kuwentang tao. Tanong ko sa kanila: “Bakit kilala mo ba si Erap?” Sagot nila: “Hindi.” Balik ko: “’Yun pala eh, bakit ka nanghuhusga?”

Napabalita na si Erap ay gustong mag-last political hurrah sa Maynila. Spontaneous na sagot ko: “No problem dito. Masa ang magdadala sa kanya.” Unsinkable Erap.

SAMUT-SAMOT

ANG PUSO BA ng isang 68 years old ay puwede pang tumibok sa isang bagong pagmamahal? Naitanong ko ito sa pag-alaala ko sa Duchess of Spain, isang 87-year old na royalty, na iniwan ang karangalan at kaharian upang mapangasawa ang isang 54-year old commoner. Super legendary romance. Out of this world na pagmamahal at sakripisyo ang ipinamalas ng Duchess.

TUWINA, TUMITIBOK PA rin ang puso ko sa attraction ng ibang pag-ibig. Hindi pag-ibig sa opposite sex kundi sa Maykapal na lumalang at nagbigay buhay sa akin. Malaking pasasalamat ko na sa aking edad na 68, muli kong natagpuan ang pagmamahal sa mahal na Jesus. Isang pagmamahal na huli kong natuklasan sa Cursillo, 40 anyos na ang nakakaraan.  Malimit niyang ipahiwatig sa akin na kagaya ng Prodigal Son, hinihintay niya ang aking pagbabalik sa kanyang hapag. No questions asked.

PANALANGIN KO NA ang pagmamahal kay Jesus ay aking bitbit hanggang sa huli kong hugot ng hininga. I have lived a very fulfilled life. Pasalamat ko sa Kanya ay todo-todo, walang preno. ‘Ika nga ni Ariel Ureta at Winnie Cordero sa kanilang radio-TV program.

Quote of the Week

Miraculous Invocation to St. Therese

O glorious Saint Therese, whom Almighty God has raised up to aid and counsel mankind, I implore your miraculous intercession.

So powerful are you in obtaining every need of body and soul, our Holy Mother Church proclaims you a “Prodigy of Miracles… the Greatest Saint of Modern Times.” Now I fervently beseech you to answer my petition (mention here) and to carry out your promises of spending Heaven doing good on earth… of letting fall from Heaven a shower of Roses.  Henceforth, dear Little Flore, I will fulfill your plea “to be made known everywhere” and I will never cease to lead others to Jesus through you. Amen.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleArgumento nina Sen. Kiko at patigasan sa Caloocan
Next articleAng galing mambola!

No posts to display