RECORD-BREAKING Superstar talaga ang nag-iisang Sarah Geronimo. Trending ngayon sa Twitter ang Tala ni Sarah Geronimo dahil umabot na ito sa 150 Million views making it the most viewed OPM music video ever!
Nagbubunyi ang mga popsters (tawag sa fans ni Sarah G) dahil muling napatunayan ang power ng kanilang iniidolo at lakas ng kanilang fandom. Hindi lang kasi sa Pilipinas umariba ang kanyang Tala kundi maging sa abroad.
Kung inyong matatandaan, muling umingay ang kantang Tala dahil sa isang basketball court fiasco na nangyari sa pagitan ng isang ‘Aling Nelia’ at group of bekis na nag-protesta sa pamamagitan ng isang flash mob kung saan umindak ang mga ito in the tune of Sarah G’s ‘Tala’.
Sa hindi nakakaalam, noong 2016 pa inilabas ang kantang ‘Tala’ ni Sarah G., na ginamit na rin bilang jingle sa ilang commercials at noong nakaraang eleksyon. Aurang-aura din ang kanta sa LGBT community bago pa ito nagkaroon ng ‘second wave’ of success noong Pasko hanggang sa kasalukuyan.
Ang ‘Tala’ na yata ang pinakasikat na OPM song bago pa sumailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Pilipinas. At least, napakanta, napasayaw at napasaya tayo ng iconic dance song ni Sarah Geronimo!
Ang next goal naman ng fans ni Sarah ay maabot ang 200 Million views. Aliw, ‘di ba? Meron silang mga goals at ito ay sama-sama nilang naaabot. Bongga talaga!
Ang ‘Tala’ ay isinulat nina Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan with music and production by Jumbo de Belen and Alisson Shore of Flip Music Production. Ito ang lead single ng ‘The Great Unknown’ album ni Sarah Geronimo na lumabas noong 2015 pa.
Ang balita namin ay may superhero character na ‘Tala’ na papasok dapat sa ginagawang Pedro Penduko project ni Matteo Guidicelli. Ay, bet namin ‘yan! Ituloy niyo na ‘yan!
Good job sa mga Sarah G fans na patuloy na umaawit at gumigiling in the tune of ‘Tala’! Maaabot kaya nila ang 200 Million views? Kapit at stream lang ng mahigpit at maaabot niyo rin ang mga TALA! PAK!