HINDI KO malaman kung ano ang nagi-inspire kay Xian Lim para magtrabaho nang todo. Hindi naman siguro nagmamadali ang aktor na magplano na ng kanilang kasal ng girlfriend na si Kim Chiu habang ang ilan sa mga kaliga nila ay “kasalan” na ang pinaguusapan.
Mula nang lumipat siya sa Viva as one of their artists, kahit walang TV Network na naka- back-up sa kanya or napapanood siya sa isang drama serye on a regular basis, umaalagwa pa rin ang career ng binata.
Halos sunod-sunod ang mga film projects niya since he moved out of Star Magic Management at pumirma sa Viva Artists Agency ay halos sagad-sagaran na ang sked ni Xi sa showbiz and not to forget his basketball stint with the Mandaluyong team na aktibo din ang aktor.
Di nga ba’t katatapos lang maipalabas ang movie niya with Louise delos Reyes kung saan nag-shooting pa sila sa Saga Prefecture in Japan?
Recently, after almost a month of stay sa Tbilisi in Georgia (dating bahagi ng USSR) para mag-shoot with Cristine Reyes (with her red hair character) and Xian naman with his unshaven na balbas kung saan he looks dirty at may katabaan.
Before they left for the shooting under Sigrid Andrea Bernardo of the box-office film Kita Kita (bida sina Empoy Marquez at Alessandra Di Rossi) ay tinapos na rin pala ni Xian ang first Cinemalaya 2019 entry niya na Tabon (about the cavemen ng Tabon Cave in Palawan) kung saan it’s Xian first film debut as a director.
Sa super ngaragan na schedule ng aktor, naka-line-up pa ang isang untitled film nila ni Alex Gonzaga for this year at ang pinaghahandaan niyang bagong art exhibit and this time as a solo visual artist.
For 2019 na nasa first quarter pa lang tayo ay solb na si Xian at quotang-quota na.
Reyted K
By RK Villacorta