Upgrade makasasama na nina Sarah Geronimo at Gary Valenciano sa pagpo-promote ng Aficionado



Upgrade

AFTER TEEJAY Marquez, ang The Aqueous Group and Company via Star Image Artists na grupong Upgrade naman na kinabibilangan nina Casey Martinez, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Mark Baracarael, Rhem Enjavi, Raymond Tay, at Ivan Lat ang newest addition sa lumalaking pamilya ng Aficionado Germany Perfume na pag-aari ng Lord of Scents na si Sir Joel Cruz.
Tsika nga ng grupong Upgrade, “Napakasuwerte po namin, kasi makasasama na kami nina Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Teejay Marquez, Erich Gonzales, John Lloyd Cruz, atbp. sa pagpo-promote ng nangungunang pabango sa Pilipinas. Thankful kami kay Sir Joel dahil binigyan nila kami ng pagkakataong maging part ng family ng Aficionado.”
Magkakaroon daw ang UPGRADE ng sarili nilang Scents na tatawaging Upgrade Choice na mabibili sa lahat ng kiosk ng Aficionado Germany Perfume . Bukod sa Aficionado Germany Perfume, endorser din ang Internet Sensation Group ng Cardams Shoes, Royqueen Gadgets, Ysa Skin and Body Experts, at HEA Watches.
Mapanonood din ang UPGRADE regularly sa Walang Tulugan With The Master Showman, at kasama rin sila Yexel Sebastian’s Gusto Kong Sumikat mall tour Sept. 20 (Sta. Lucia Mall), Oct. 17 (Fisher Mall); sa birthday mall show ni Teejay Marquez sa Sept. 20 (Fisher Mall); at sa Green Hope Fun Run ng The Aqueous Group and Company sa Sept. 27 sa Robinson’s Meycauayan, Bulacan.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleEnrique Gil, nagwala!
Next articleJaivy Phipps, natupad ang pangarap na mag-artista

No posts to display