APAT NA equally talented singers ang magiging espesyal na panauhin ng grupong Upgrade para sa kanilang first major concert entitled “UPGRADE, Unstoppable” na gaganapin sa Music Museum sa Dec. 4, 8 p.m.
Isa rito ang mahusay na stand-up comedienne at semi-regular sa GMA 7’s “Sunday Pinasaya” na si Boobsie Wonderland.
Pangalawa ang recording artist/ actress na si Alyssa Angeles na kari-release pa lang ng self-titled album under Synergy Music.
Pangatlo ang Mash-Up Princess at Internet sensation at isa sa prime artist ng SMAC TV network na si Angelica Feliciano na kasama sa online show na “Bee Happy Go Lucky” at awardee sa 2015 Seal of Excellence Award for Most Promising Female Performer”.
At ang pang-apat ay si Marika Sasaki na isang GMA Artist Center contract artist at regular co-host ng GMA 7’s “Walang Tulugan With The Master Showman.
LionheartTV’s RAWR Awards voting extended until Dec. 4
EXTENDED UNTIL December 4 ang voting para sa The RAWR Awards ng LionheartTV’s 1st ever awards night para mas mabigyan ng pagkakataong iboto pa ng mga fans ang kani-kanilang iniidolong celebrities sa iba’t ibang pinaglalabanang kategorya.
Ayon nga kay Mr . Richard Paglicawan (owner/founder of LionheartTV), “We originally wanted to have it from Nov. 1 to Nov. 30 only. But after seeing how engaged and excited the fans are, even since day 1, we decided, as a team, to give them free more days to vote. We expect this to be even more exciting for everyone because several of the nominees are neck to neck.”
Pattern ang LionheartTV’s RAWR Awards sa Oscars with categories such as Male and Female Celebrities of the Year, but also includes special categories (dubbed Club Awarda) such as Viral Video of the Year and Fan Club of the Year.
Lahat ng entries sa mga kategorya ay nominated ng mga fans kaya naman ang pananalo ay dumidepende sa mga boto nito. Bawat fans ay allowed na bumoto hangang 3 times per category per day at rawrawards.lionhearttv.net.
As of Nov. 24, ang mga nangunguna sa botohan ay sina Daniel Padilla (Male Celebrity of the Year) at sa Female Celebrity of the Year naman ay si Kathryn Bernardo ang leading. Habang si Bailey May naman para sa Breakthrough Artist of the Year, Daniel Padilla (Male Performer of the Year), Sarah Geronimo (Female Performer of the Year), KathNiel (Trending Love Team of the Year), atbp.
John’s Point
by John Fontanilla