NAKATUTUWA ‘PAG ang kausap ay walang angas. Siyempre, magkausap man kayo ay hindi ka masyadong maiilang lalo’t artistic ang kausap mo. Naganap ang one-on-one interview ko kay Fil Delacruz sa kanyang tinatawag na “Bahay Sining” na may kahanga-hangang istraktura.
Ilan taon ka na Fil? “Ah, medyo senior na. Hahaha!” Biniro ko si Fil. Ako nagbabalat-kayo, minsan nagtitina! Hehe!
“Magpakatotoo tayo. Primero naglalagay ako ng tina. ‘Yung other way na hinihintay mo ‘yung feeling na bata ka. Pero, eventually, magse-settle down ka at then ia-accept mo ‘yung reality na you’re not getting any younger. So, bakit ka magpe-pretend na bata ka, at saka may tinatawag tayo na ‘you grow old gracefully’. Hindi naman ‘yung tumatanda tayo nang paurong. Pero hindi natin dapat ikahihiya ‘yung edad. ‘no? In fact, nae-enjoy ko nga ‘yun ngayon eh, ang dami kong discount as a senior citizen, eh. Hehe!”
Nae-enjoy mo ba ‘yung tinatawag na kabataan o katandaan o kaya ‘yung uban mo? “Ah… pinabayaan ko na. Kumbaga, pinakawalan ko na siya.”
Dati, parang nahihiya ka ba na may puting buhok o ano? “Ngayon, nae-enjoy ko pa nga kasi ang ating pakay sa pagiging artist eh, hindi lamang ‘yung acceptance ng public kundi acceptance nu’ng ‘peers’, ‘yung mga kasama nating mga pintor. So, ‘yung pagtanda ay isa sa magandang senyales na…” Dugtong ko, ‘na umuugat’?
“Kumbaga ‘you have come of age’. Kasi na-prove na natin ‘yung pagtanda at saka ‘yung trabahom,” dagdag pa niya.
Marahil kasi noong bata-bata pa tayo ay meron tayong competition, eh. Noon, medyo mabilis pa ang daloy ng dugo natin. Pero ‘pag nagkaka-edad na parang wala na, kalmado na. Magalit man, pero ang tingin ko eh, hindi na ganu’n.
“Pati ‘yung painting mo sa tingin ko eh, wala na ‘yung ‘angst’. Siyempre lahat naman tayo, eh. Noon, me tendency kang gusto mong mapansin ka agad. Ayaw mong makinig.”
Sa pagitan ng mag-amang Fil at Janos Delacruz, ito naman ang istilo nilang dalawa sa pagpipinta.
“Ah wala kaming pakialaman, eh. Kasi, nasanay naman ako sa pag-identify ng mga trabaho ng mga estudyante ko. Siya ang trato ko sa kanya eh, parang estudyante. So, hindi ako nagbibigay ng comment nang kaagad-agad hangga’t hindi 90% na tapos ‘yung trabaho na nakikita ko na.”
Ayon kay Fil, ayaw niyang magkumento hangga’t hindi pa tapos ang trabaho ng kanyang mga nagiging estudyante.
“Ah, oo pasintabi kasi baka masita ka diyan, eh. Dapat kasi magsabi ka, para walang monopoly of ideas. Kasi iba-iba ‘yan, eh. Iba pakiramdam ko, Iba pakiramdam niya. Minsan tinanong ako ng estudyante, ‘sir, ano ba ang criteria ninyo sa grade?’ Tiningnan nila ‘yung grading system ko, kasi mga estudyante ko noon eh, mga second degree holder na ‘yan, mga tapos na ng kursong Engineering, Architecture… kasi ‘yun ang business ng family nila. Mga mahahaba na ang sungay ng mga ‘yan. Nang may magtanong sa akin bakit 1.5 ang grade niya, sabi ko ‘what seems to be the problem?’ Sabi niya, ‘di yung grade ko ang problema, ang problema niya ay ‘yung grade ng kaklase ko. Ang sabi parehas lang sila ng grade ng kaklase niya eh, mas maganda naman ang gawa niya.”
Dahil doon ipinaliwanag ni Fil na ang grading niya ay hindi ayon sa kanyang standards kundi sa merit ng trabaho.
Si Fil Delacruz ay isang premyado at kinikilalang visual artist. Naging kasamahan ko siya sa Christian Art Society of the Philippines noong 80’s. Naging Presidente ng Philippine Association of Printmakers noong 1995 at nagtapos ng kursong BFA Major in Advertising Arts, University of Santo Tomas College of Architecture and Fine Arts.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. E-mail: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia