LUMAPIT sa amin ang isang grupo ng event organization, dahil si “mayor” daw ay ang tagal nang binubukas-bukas at nine-next month-next month sila sa utang nito para sa isang bonggang-bonggang event na kanilang isinagawa sa bayan nito.
Kalahating milyon pa ang utang ng opisina ni Mayor, pero walang assurance kung sila’y mababayaran. Kawawa naman ‘yung mga staff na ito lang ang inaasahan, samantalang nai-deliver naman ang gustong event ni Mayor na ang pangalan din naman niya ang bumango.
Kaya nananawagan sila sa kapatid nitong may mataas na tungkulin sa bayan na sana’y sabihan daw ang kapatid nitong mayor na magbayad na bago pa tuluyang ipa-media ang “utang ni mayor.”
Eh, malay naman natin kung one of these days ay ipatawag sila ni mayor, dahil magbabayad na ito, ‘di ba? Hintay-hintay lang, dahil may kasabihan nga, “Iyo ang Tondo, akin ang Cavite.”
by Ogie Diaz