Uutangin ng Bulacan at si Osama Bin Laden

MATATAHIMIK NA SA wakas ang mga kaluluwa ng mga taong naging biktima sa naganap na karahasan sa Amerika noong Setyembre 11, 2001 kung saan ang World Trade Center ay literal na pinulbos ng katarantaduhan ni Osama bin Laden.

Idagdag na rin natin, parekoy, ang katahimikan ng kaluluwa ng lahat ng biktima ng karahasan o terorismo sa buong mundo.

Pero tapos na… patay na si Osama bin Laden!

Totoo nga parekoy, na kapag ang isang bagay ay may simula. Tiyak na ito ay may katapusan! Diyos nga lang ang tanging nakakaalam kung kailan.

Sa ngayon, isang bagay naman ang pinapangarap kong masaksihan. Na isang araw ay magtapos na rin itong inumpisahang katarantaduhan ng bansang Amerika!

Bakit at ano?

Ang naganap na pagpatay kay Osama bin Laden ay pinasasalamatan natin… lalo na kung ito ay naganap hindi sa loob ng isang bansa na mistulang ginawang tanga ng Amerika!

Ibig kong sabihin, parekoy, bakit hindi na lang nila kinordon ang erya at saka nakipag-coordinate sa bansang Pakistan. Tutal hindi naman na makakatakas kung na-cordon na ang erya.

At hindi pa magmumukhang ginago, kinawawa, pinagmukhang-tanga at inalipusta ang bansang Pakistan.

Sagad hanggang buto ang galit natin kay Osama bin Laden. Lalo na tuwing naaalaala natin, parekoy, ang kahindik-hindik na larawang ipinapakita sa mga telebisyon na bunga ng terorismo.

Pero ‘yung pasukin mo ang isang may soberenyang bansa at basta ka na lang papatay ng mga tao sa loob ng kanilang hurisdiksyon…

‘Yon ay isa ring uri ng terorismo!

Na may pagka-imperyalismo pa!

Kung sa Pakistan ay ginawa na nila… sa atin pa kaya?

NOONG BISE-GOBERNADOR PA lang ng Bulacan si Willy Sy-Alvarado ay mariin nitong hinadlangan ang proposal ni dating Gobernador Jonjon Mendoza na umutang sa bangko ang Bulacan sa halagang isang bilyon para sa mahahalagang imprastraktura.

Hindi raw ito nararapat, maanomalya, iligal at mauuwi lamang sa kurapsiyon. Dahil mayaman daw ang Bulacan at hindi na ito kailangan!

Ngayon, ang gobernador na ng Bulacan ay si Willy Sy-Alvarado. Nais na niya ngayon na umutang sa bangko ang lalawigan ng Bulacan sa halagang dalawang bilyon.

Ngayon ay wala nang hahadlang dahil aprubado ito sa Bise-Gobernador.

Kung ang isang bilyon na uutangin sana noon ay hindi nararapat, maanomalya, iligal at mauuwi lamang sa kurapsiyon…

Hihiramin natin sandali ang sariling termino niya noon.

Gov. Alvarado, dalawang bilyon ‘yang uutangin ninyo, kaya…

Dobleng hindi nararapat, mauuwi lamang ‘yan sa dobleng anomalya, dobleng iligal at dobleng kurapsiyon!

O, baka naman ang mali noon ay tumpak na ngayon?!

Weder-weder lang ‘yan…. Hak, hak, hak!

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa a-king radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleOnli in da Pilipins
Next articleSarah Geronimo is working hard for her family, yet hasn’t find the joy of her heart

No posts to display