BIDA NA sa pelikulang The Write Moment ang theater actor na si Jerald Napoles. Ayon sa kanya, malaki ang utang na loob niya sa hit musical na Rak of Aegis kung bakit siya nabibigyan ng break sa pelikula.
Aniya, “Actually, du’n nagsimula ang lahat. Ang sarap ding isipin yung naging success no’n and we are very thankful. Most of the cast became artistas because of Rak of Aegis. Katulad nina Pepe Herrera, Kim Molina, Benj Manalo at marami pang iba.”
Palabas na sa mga sinehan ngayon ang The Write Moment. Leading lady ni Jerald sa pelikulang idinirek ni Dominic Lim si Valeen Montenegro. The film is produced by IdeaFirst and release thru Viva Films.
“Mukha kaming inter-racial couple, no?” biro ni Jerald. “Kinakabahan na excited ako sa reaksyon ng tao. ‘Yung naka-post na trailer sa social media, medyo okay ang reactions ng tao na mukhang excited ang lahat,” sambit pa ng aktor.
We personally watched the film and we really liked it. Totoong-totoo ang mga dialogues lalo na kapag naglalandian ang character nina Valeen at Jerald at kapag pinag-uusapan nila ang sex.
La Boka
by Leo Bukas