Valerie, increased the price of her talent fee

TOTOO NGA, PRESYONG nangangarap daw ngayon ang talent fee ni Valerie Concepcion sa mga provincial shows. Bukod pa rito, may mga kondisyones pa raw na hinihingi ang aktres na ikinaloka ng mga nagpapa-show. Iba na nga raw ngayon ang drama ni Valerie, imbes na kunin siya, ibang artista na lang ang ipinapalit sa kanya para mag-perform.

Pilit na idinidiin ni Valerie ang manager niyang si Becky Aguila, “My manager knows what is best for me. Siya ‘yung nagha-handle ng career ko, kung ano ‘yung gusto niya, sunud-sunuran lang ako. Walang dahilan para ako magalit sa kanya kung nagtaas man siya ng presyo ko.”

Parang wala lang kay Valerie kung natanggal man siya sa Banana Split. Walang panghihinayang o lungkot man lang sa dalagang-ina sa paglisan niya sa nasabing gag show.

“May Precious Hearts naman ako ngayon kaya happy ako. May nawala, may bagong show na dumating, ganyan lang naman talaga ang buhay. Always think positive para maging maganda ang takbo ng career mo,” sambit niya.

Laking pasasalamat ni Valerie, nakapasok siya sa Wowowee bilang host ni Willie Revillame, kaya bgilang nagningning ang kanyang kasikatan. Ang nasabing noontime show ang nagpasikat sa kanya at nagbigay ng pagkakataon para siya sumikat. Ngayon nga raw, nagiging antipatika na ang dalaga sa kanyang mga co-host. Hindi ba’t nagtampo si Pokwang dahil may binitawan siyang salita na hindi nagustuhan ng komedyante sa Willie of Fortune. Dapat daw sana, hinayaan ni Pokwang na umiyak ‘yung contestant, sabi ni Valerie sa kanyang co-host.

Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon, “Okey na kami ni Pokwang, naipaliwanag ko na sa kanya na wala akong masamang ibig sabihin,” depensang-wika ni Valerie.

NAGTATAKA NAMAN KAMI kung bakit tinanggap ni Sheryl Cruz ang role bilang ina ni Geoff Eigenmann sa SRO Cinemaserye considering na wala pa yatang sampung taon ang tanda niya rito.

“It’s a challenge on my part to portray such a role convincingly. Naiiba nga itong role ko, malayo sa tunay kong personality, like playing mother to 24 years old son considering that my own daughter is 8 years old. It’s so refreshing to work with them, especially Maxene Magalona, because I see myself in her noong time na bagets pa ako,” nakangiting turan ng actress.

Gustuhin man ni Sheryl na manatili sa Kapamilya network, napilitan siyang lumipat sa GMA 7 dahil hindi naman siya nabibigyan ng project. “Sunud-sunuran lang naman ako sa manager ko. Siya naman kasi ang nagpapatakbo ng career ko at naghahananap ng project. Wala naman kasi akong project sa ABS-CBN that time, nagkataon naman may offer sa akin ang GMA, so balik-Kapuso uli ako. As much as possible, ayaw kong palipat-lipat ako ng network. Ang importante tuluy-tuloy ang project, I will gladly stay here. Kailangan kong magtrabaho, I’m a single mom supporting my daughter,” paliwanag niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw ang paghihiwalay nila ni Norman Bustos. Sinasabing long-distance relationship ang naging ugat ng kanilang hiwalayan. “It’s one of the reasons. Alam naman ninyo nandito ang trabaho ko, si Norman sa States, ayaw niya rito so may conflict. Maraming dahilan kung bakit kami naghiwalay, it’s hard to spell out everything right now. Pino-process ang annulment papers namin, baka ma-jeopardize pa ‘yun if I start talking,” kuwento niya sa amin.

Dapat sana bumalik na lang si Sheryl sa States para magkabalikan silang mag-asawa at ma-save ang kanilang marriage. “Sa totoo lang, I really thought about it long and hard. Iba siyempre dito sa atin, I was born here and I grew up here. I want to stay here and raise my daughter, but all the happy moments I spent with my husband in the US will always be in my heart. I did love him and I will forever treasure what we had. May career na uli ako, masaya ako sa trabaho so, ‘yun,” seryosong pahayag ni Sheryl Cruz.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleGabby ang KC, hugged each other at Golden Screen Awards
Next article“Judai is Mine!” – Ryan

No posts to display