SAYANG at sumuko siya sa kanyang ikatlong taon sa law proper at mapahinto ang aktor na si Vance Larena sa kanyang pag-aaral sa San Beda College.
Nang malaman ng press ang nangyari sa career ng guwapong binatang ama (yes, may anak na ang guwapong aktor na may hawig kay John Lloyd Cruz), madami ang nanghinayang.
“Naging mahirap sa akin ang oras. Mahirap pagsabayin ang pag-aartista at pagaaral ng law. Kailangan talaga magkaroon ng full-time attention sa pag-aaral,” sabi niya sa amin during the grand presscon of Bakwit Boys na isa sa mga official entries para sa FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapanood na sa Agosto 15-21 sa mga sinehan nationwide.
First major role ito ni Vance kung saan nagsimula siya umarte sa entablado na itinawid niya sa ilang mga indie films.
Sa Bar Boys na pelikula kinabinilangan niya last year sa PPP, he played the role of a ‘frat man”.
Sa pelikulang produced ng T-Rex Entertainment, dumaan sa proseso si Vance para mapunta sa kanya ang role bilang si Elias na panganay sa kanilang magkakapatid nina Nikko Natividad, Ryle Santiago at ang batang singer na si Mackie Empuerto.
“Sana, magustuhan ng moviegoers ang movie. Linawin ko po na hindi ito political film tulad sa iisipin ng iba dahil sa title na ibig sabihin ng Bakwit ay evacuees,” paglilinaw ng aktor. Ang Bakwit Boys ay Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Reyted K
By RK Villacorta