NAKS! NOONG MGA 90’s isang pamilya ang talagang sinubaybayan ng libu-libong manonood ng telebisyon, at ito ang pamilya ni Kevin Kosme (sa comedy sitcom na Home Along Da Riles.) Isang nakakatawang sitcom siyempre, na pinapanood ko rin noon. He-he-he! At ang hari ng komedya, nais ko ring maka-one on one interview, or makakulitan, ‘di nga lamang kami magkatagpo ng landas.
Noon sa mga awarding, nagkakasabay kami, pero sa arts naman ako at sa entertainment naman si Pidol. ‘Di bale nakita ko naman itong si Vandolph kaya ito ang gagawin nating bida ng Pinoy Parazzi. Matagal ko na itong na-interview, kaya lang, natataong sira ang tape recorder ko. Mabuti’t naitabi ko naman ang tape mismo. Dahil naisip ko ring may tamang pagkakataon ito para mailabas ang one-one interview.
KULITAN INTERBYU
Maestro: Kumusta na pala ‘yong balita sa ‘yo noong matagal nang naging aksidente mo?
Vandolph: Ah, ok naman po ang mga bakal ko sa katawan, at ‘di na naman ako nagpapabaya sa katawan, sa awa ng Diyos… mahirap na, baka maulit pa. He-he. (Pero suwerte niya talaga. Anyways, naiayos naman ang bali niya sa katawan.)
Maestro: Nu’ng bata ka pa, sinubaybayan din kita, ha?!
Vandolph: Ah, talaga! Salamat naman!
Maestro: Tagahanga rin ako ng Erpats mo.
Vandolph: Ah, talaga po! Ako naman, cute ako noong bata ako, ngayon acute na. He-he-he! (Ha-ha-ha! Comedy rin talaga, anak nga ito ni Pidol.)
Maestro: Kumusta, nag-aaral ka pa ba?
Vandolph: Hindi po muna, pero eventually I wanted to go back. Kasi kelangan din ‘yun. Pero siyempre, dapat ‘pag nasa school ka, wala ka namang ibang iniisip para iyong utak mo naman, school talaga, ‘di ba?
SERYOSO SA TRABAHO AT PAMILYA
Maestro: Ah, ano naman ang ginagawa mo ngayon?
Vandolph: Meron akong productions, kaming mag-asawa ni Jenny. We put up shows, events… baka eventually gagawa kami ng mga indie films. ‘Di ba maganda?
Maestro: Ay, oo! ‘Eto, ilalabas kita sa Parazzi…
Vandolph: Haah?!
Maestro: Hehe, parang Paparazzi na maganda, ok ‘yun . At ilalarawan kita sa aking canvas ng Pinoy Parazzi. Sikat ka!
Naks! Ito na ang pagkakataong sinasabi ko sa ngayon. Tiyempo na may sitcom na muli sila sa TV5 – sina Pidol at Vandolf or si Bart or Baldo – tiyak muling kikintab ang star ng batang ito, lalo na’t walang hindi magigiliw sa Pidol’s Wonderland. At tiyak kagigiliwan ito ng mga bata at kabataan at mga pamilya. Makikita muli nating humataw ang pamilya ni Pidol sa palabas na ito na may pagka-tall tales and fantasy ang kuwento. Maging ako, tiyak susubaybay sa sitcom na ito.
HIRIT KULITAN
Tanong ni Vandolph sa akin: “Eh, kayo… bakit naman kayo napagawi rito?
Sagot ko: Ah, pumupunta ako rito sa studio para mag-interview.
Vandolph: Ah, meron din kayong ka-kilalang tattoo artists?
Maestro: Ah, meron.
Vandolph: Ah, parang kayo ang pinaka-Datu, Godfather… kasi iyong ayos ninyo parang Godfather nga kayo na Juan dela Cruz. (He-he! Comedian nga ito.)
Maestro: Ah, minsan naman, nagsusuot ako ng suit sa ibang okasyon, he-he!
Vandolph: Ah, kung anong trip lang. Ako kasi I play the guitar, I compose songs, I like making illusions.
Maestro: Ah, possible na maging director ka one day.
Vandolph: Ah, iyon nga po ang gusto ko sa college, iyong directing. Mula bata pa ako, nasa showbiz na ako. Maganda ring magka-business ka of your own, pero itutuloy ko pa rin ang showbiz career. Malay n’yo iyong anak ko, maging mas magaling sa akin, parang lolo niya…
Maestro: Sa bagay, next generation na sila. Great! Son ‘wag mong tigilan ang isang pangarap at ngayon pa lang tuntungan mo na at ang wish mo, matutupad. Think of that.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia