NATATAWA NA lang daw sa lesbiyana issue ang isa sa star ng Faithfully ng GMA-7 na si Vaness Del Moral. Kung ilang ulit na kasi itong natsitsismis na lesbiyana dahil na rin sa kanyang boyish na kilos.
Tsika nga nito na totoong boyish siyang kumilos pero hindi raw siya tomboy . “Naku, Tito John, babaeng-babae ako! Papa’no naman akong magiging tomboy? Tingnan mo nga, ang landi-landi ko! Hahaha!
“Tsaka may boyfriend (Biboy Rami-rez) ako, ‘di ba? Ilang taon na kami… boyish lang talaga akong kumilos, pero lalaki pa rin ang gusto ko.
“Siguro kung tomboy ako, baka iniwan na ako ni Biboy. Hahaha! Pero kidding aside, siguro nami-misinterpret lang nila talaga ‘yung pagiging boyish ko. Bata pa kasi ako, ganoon na ako, pero malambot ang puso ko, babaeng-babae ako.”
Deadma na lang daw si Vaness sa tuwing may magtatanong sa kanya kung tomboy ba siya. Sinasabi na lang daw nito na “Babaeng-babae po ako!” Masaya raw siya sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon, kung saan bumibilang na ng taon ang kanilang GF/BF relationship ni Biboy. Happy raw siya sa piling ni Biboy at ganoon din naman ang BF niya sa kanya.
SAYANG NAMAN at nag-back-out sa Miss World Philippines ang Kapatid Princess na si Arci Muñoz dahil na rin sa may conflict ito sa kanyang trabaho. May mga nauna raw na natanguang trabaho si Arci kaya naman daw hindi na ito tumuloy sa MWP 2012, kahit pasok na siya sa libu-libong nagpa-screen sa nasabing prestigeous beaty pagaent sa bansa.
At kahit nga malaki ang laban ni Arci ngayon, no choice ito kung hindi mag-back-out, dahil na rin sa busy schedule ng mga kandidata ng Miss World Philippines. Sa dami kasi ng activities ng mga ito, masasagasaan ang mga nauna nang proyektong natanguan ni Arci.
Kung maaalala, ang maging beauty queen ang isa sa dream ni Arci, kaya naman ito na sana ang pagkakataong maisakatuparan nito ang kanyang pa-ngarap. ‘Yun nga lang, hindi tumugma sa kanyang schedule kaya kailangan niyang mamili at ang pinili nga niya ang naunang nata-nguang proyekto.
Hopefully next year, mas maging maluwag na ang schedule ni Arci nang sa ganoon ay makasali na siya at mas mapaghandaan niya ang kanyang pagsabak sa Miss World Philippines o ibang beauty pageant.
ALMOST THREE months na raw walang bagong soap ang Drama Prince ng GMA-7 na si Kristoffer Martin since natapos ang Ikaw Lamang Ang Mamahalin. At sa pagtatapos noong Linggo ng Tween Hearts ay wala nang natirang show si Kristoffer.
Marami nga ang nagtatanong kung bakit kung kailan daw nag-sign ng exclusive contract sa GMA-7 si Kristoffer ay tsaka naman ito nabakante at hindi nabibigyan ng importansiya ng Kapuso Network sa pagbibigay ng proyekto.
Marami nga ang nanghihinayang kay Kristoffer, dahil magaling itong umarte. May mga nagsasabi nga na sana raw ay sumama na lang si Kristoffer nang bumalik sa ABS-CBN si Kathryn Bernardo na naging ka-loveteam nito sa GMA-7 na ngayon ay namamayagpag at itinuturing na Prinsesa ng Primetime ng Kapamilya Network. Kung nagkataon daw ay siya ang hihiranging Prinsipe at darami ang endorsement katulad ni Kathryn.
Nalulungkot nga raw si Kristoffer, dahil matagal-tagal na rin siyang walang soap. Sana nga raw ay mabigyan siya ng panibagong trabaho bago matapos ang June, bukod sa indie film na gagawin nito, ang Basement, kung saan makakasama niya sina Ellen Adarna, Teejay Marquez, Enzo Pineda, atbp.
MARAMING MANONOOD ang naaliw sa panonood ng Makapiling kang Muli over GMA-7 sa pagisimula nito na ang mga batang actor na nag-portray ng role nina Richard Gutierrez (Miguel Tan Felix) , John Lapus (K-Cee Martinez) at ‘yung dalawa pang bata na gumanap na batang Carla Abellana at Paolo Paraiso.
Naalala tuloy namin ang pagsisimula ng career nina Jake Vargas, Joyce Ching, Barbie Forteza, Kristoffer Martin, atbp. sa Stairway to Heaven, Endless Love, atbp. na napansin at sumikat bilang mga young sa mga soap ng GMA-7.
Katulad nina Kristoffer, Jake, Barbie, at Joyce, maaari rin itong maulit at makapag-create ng another stars ang GMA-7 kung mabibigyan ulit ng bagong proyekto sina Miguel, K-Cee, atbp. Lalo na’t magagaling din namang umarte ang mga ito at maraming manonood na rin ang nagkakagusto sa kanila.
John’s Point
by John Fontanilla