KUMPIRMADO na ang pagdating sa Pilipinas ng isa sa mga nangungunang all-boy group sa Korea na VAV. Sila ay magpe-perform nang live sa kanilang kauna-unahang first full-length concert sa Manila sa VAV: 2019 Meet & Live In Manila sa Septyembre 7 (7 p.m.) sa Skydome, SM North EDSA.
Ang VAV, na nangangahulugang “Very Awesome Voice,” ay nagsimula noong Oktubre 2015 sa ilalim ng A-Team Entertainment. Pinukaw ng grupo ang puso ng milyun-milyong mga tagahanga sa iba’t ibang panig ng daigdig sa pamamagitan ng kanilang sexy at eleganteng imahe na sinamahan pa ng kanilang electrifying na talento bilang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit at mananayaw sa mundo ng K-pop.
Napapatunayan nila ito nang manalo sila ng Best Performance award sa 7th Thailand Daradaily Awards noong 2018.
Ang single ng VAV na Senorita na kanilang nilabas nuong 2018 ay isang Latin infused K-pop dance single at ang opisyal na music video nito ay mayroon nang has 26 million views sa YouTube habang ang opisyal na music video ng kanilang recent 2019 single na Thrilla Killa ay mayroong 23 million views sa YouTube.
Ang latest single ng VAV na pinamagatang Give Me More ay na-feature pa si De La Ghetto at ang Grammy award-winning producers na sina Play-N-Skillz.
Ang opisyal na music video ng Give Me More, na mayroon na ngayong 10 million views sa YouTube ay kinunan dito sa Pilipinas sa napakagandang probinsya ng Bohol.
Mabibili ang mga tiket sa VAV 2019 Meet & Live In Manila sa lahat ng physical SM ticket outlets at online din sa www.smtickets.com atwww.ticket2me.net. Ang mga VIP ticketholders ay maaaring mamili sa isang Q&A session sa VAV o photo op o fan sign sa araw mismo ng live show.
Sa ilalim ng direksyon ni Homer Espiritu, ang VAV 2019 Meet & Live In Manila ay isang joint-production ng Istudyo Ni Pipay at A-Team Entertainment kasama ang suporta ng arTEAsta.
La Boka
by Leo Bukas