BLIND ITEM: MARAMING phases na ng buhay ang sinuong ng dating young actor na ito na miyembro ng now-defunct youth-oriented program. When he was way past his teenage years, sinubukan niyang mag-bold, but he always ended up getting the second lead.
Next thing, the bold actor met a bold star, palibhasa iisa lang ang kanilang mother studio that produced run-off-the-mill, skin flicks na walang kawawaan. Mula sa relasyon, nagpasya na silang magsama, kapwa huminto na sa pagbo-bold.
The then-bold actor found a fallback to support his common-law wife na dati ngang bold star: Ang pamamasada ng taxi. Now thirthysomething, may trace pa naman ng kaguwapuhan ang ating bida na siyang ginagawa niyang pang-akit sa mga baklang pasahero.
Just recently, may isinakay na baklang pasahero ang dating aktor. In-offer daw nito ang kanyang katawan sa deal na hindi raw kinagat ng pasahero. Ang gusto kasing mangyari ng former bold actor, “awitan” siya ng bading sa mismong loob ng taxi!
Clue: Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Michael Marino.
BARELY WITHIN TWO months, na-crystallize na ang vision ng tinaguriang beauty and wellness guru na si Ms. Cory Quirino upang maisakatuparan ang kanyang brainchild na Miss World Philippines 2011.
Last January 25 nang ipagkaloob kay Cory ang exclusive license agreement ni Ms. Julia Morley, Chairman and CEO of Miss World Limited. However, the Miss World Philippines was officially launched last March 23 kung saan ang TV network partner nito ay ang GMA 7.
Beauty pageant aficionados are quick to ask: Ano na pala ang mangyayari sa Binibining Pilipinas (now with ABS-CBN) na nakasanayan nang magkaroon ng mga pambato sa Ms. Universe, Ms. International at Ms. World?
Eh, ‘di ano pa ba? Ms. Stella Marquez de Araneta is just fielding the pageant’s winners to the Ms. Universe and Ms. International, resulta ito ng “falling-out” ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa GMA!
“It wasn’t exactly a falling-out,” pagkaklaro ng isang GMA insider, “Maayos naman ‘yung pag-uusap namin ng BPCI when it chose to transfer to ABS-CBN. In fact, they even invited us for lunch, medyo clueless nga lang kami kung bakit. Doon na lang namin nalaman na lilipat na pala sila sa ABS-CBN,” impormasyon pa ng aming source.
If I could speak for GMA, surely, the network hardly minded such a “rigodon” just like a beauty queen who gets exposed to the different worlds of boundless opportunities. Halos kasabay nga ng paglipat ng Binibining Pilipinas sa ABS-CBN ay ang pagpirma ni Maria Venus Raj sa naturang network reasoning out, among others, na mas malakas daw kasi ang signal ng Dos in her native Bicol.
In fairness, Venus’s choice is her right. But Venus, being one of the planets, does not encompass the world.
TV5 PUTS ITS best foot forward as it stirs primetime awareness among its viewers. Tinutukan noong nakaraang linggo ang pagsisimula ng dramaser-yeng Mga Nagbabagang Bulaklak, and how?
Tulad ng rumaragasang tubig sa batis, pinag-uusapan din ang kontrobersiyal na eksena nina Dahlia (Arci Muñoz) at Daisy (Ritz Azul) habang sabay na nangangarap na pumalaot sa showbiz. At ang kanilang pasaporte: ang pagsasayaw.
Natunghayan din ang pagkakakilala at pag-usbong ng relasyon nina Dahlia at Marco (Victor Basa) whose sizzling scenes titillate the audience. But not to be missed out ay ang illicit love affair ng star dancer na si Violet (Valerie Concepcion) at ni Mr. A (Richard Gomez), dyowa ng selosang TV executive na si Ms. O (Ruffa Gutierrez).
Nasaksihan din ang maigting na rivalry between Violet and Ivy (Carla Humphries) as to who is the “starrier” star dancer. Abangan sa mga susunod na episodes ang mas kapana-panabik na twists and turns ng MNB that will surely fire up your weeknights, pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III