Venus Raj: Major-major na daragang magayon!

NAK’S! PERFECT ITO sa sukat ng katawan na 35-22-35 at sa height na 5’9 sa gulang na 22. Naging Miss Earth 2008- Ecotou-rism, at bilang Binibining  Pilipinas title-holder, at naging 4th runner-up sa Ms. Universe Pageant 2010. Siya lang naman si Ma. Venus Raj. “Sa town lang namin, Miss Bato,  Miss Rinconada, Miss Cantor, Miss Bicolandia.” Sabi niya sa akin tungkol sa kanyang mga beauty queen titles.

Nang kinumusta ko siya kung umuuwi pa siya ng Bikol, ang sagot niya, “Siyempre! May nag-i-invite po kasi kapag may beauty pageant.”

Kumusta pala yung ‘sa imong’ (sa iyong) show? ‘Igwa’ (mayroon) ka raw sa Channel 2? “Iyo po. It’s a morning show. That’s every Mondays thru Fridays. ASAP every Sunday. Alas singko ngang aga eh, hahaha! Kasi maaga ‘nagpupood’ (nagsisimula). Grabeeeh! Pero nasasanay na po ako. I wake up every morning at 3:30 am and then nagtuturog ako mga 8,9,10 ng umaga.”

Noong ‘sadit’ ka pa o maliit ka pa, naisip mo na bang ‘maging arog’ (katulad ka niyan?) ka ‘kayan’? “Ah, noong ‘aki’ (bata) pa po ako, ahhh… hilig ko talaga. Ano eh, laru-laro ng mga kapitbahay, ng mga bata, pati ng ate ko. ‘Yung tipo na imbes na maglaro kayo ng bahay-bahayan or mga manika-manikaan, ang laro namin ay beauty-beauty pageant… ganyan.”

Ito naman ang pangungulit ko. Sabi ko, karaniwang nakikita ko sa aming mga Bikolano ay sumasakay sa tren. Naranasan na ba ni Venus ‘yung may dala-dala pang biskwit papuntang Maynila?  “Oo, hahaha! Meron!” Tapos naman, nagdadala rin ba siya ng biskwit noon kung pabalik na sa Bikol? “Oo, sa lata pa nakalagay. Hahaha!” Ibig sabihin mabait kaming mga Bikolano. ‘Ika nga ni Venus, “Oo, generous.”

ANG SIKRETO NG MAJOR- MAJOR

Ss Bicol, May mga salita kasi na kailangang maulit ang isang word para madaling maintindihan. Kunwari, ‘yung swimsuit-swimsuit at beauty-beauty pageant na sinabi niyang laro nila noong bata pa sila. At ito pa ang sikreto sa ibig sabihin talaga ng major-major? “All throughout sa buhay ko, andu’n ‘yung family ko. Gina-guide nila ako. Nandoon ang mga parents ko. Nand’yan si God para i-guide ako. Pero wala talaga iyong something na pagsisisihan ko na alam kong ginawa ko. Alam ko na may mga trials, alam ko na normal ‘yun sa buhay ng isang tao. So ‘yun, siguro na-misunderstood ‘yun ng mga tao.”

Meaning pala ng major-major ay sa lahat-lahat ng mga pangyayari at trial and error sa buhay niya ay wala siyang dapat pagsisihan. Pero, that’s what made Venus a star today. Sa katotohanan, malimit sumali si Venus noon sa mga oratorical contests at  grumadweyt lang naman sa kursong Communication Arts, major in Journalism at cum laude sa Bicol University sa Legaspi City.

Ang plano niya after 5-10 years: “Siguro, I would try rin also other things aside from hosting. Who knows, baka I would try movie or teleserye. Siguro naman kahit sino, iyon naman ang gusto. Ako talaga, magsu-support ako sa education. Kasi ako, I’m a product of a foundation. Nakapag-aral ako ng college dahil sa Francis Papica Foundation. Definitely, ‘yun din ang gagawin ko kung sakaling magkaroon ako ng chance na makatulong sa iba. Kasi hindi naman lahat ng tao, nabibigyan ng opportunity na makapag-aral. Oo, gusto nilang mag-aral, pero, may pampaaral ba? If ever ‘dun talaga ako tutulong.”

Haay Venus! Kaya mo ‘yan. Naisip mo ‘yan kaya tiyak papunta ka nga roon. Kaya kung ako ang isa sa mga judge, panalo siya sa sagot niyang iyan. Kailangan lang talaga, may determination ka at may vision sa buhay upang makita natin ang ating pangarap.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09301457621; e-mail: [email protected], [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleDerek Ramsay and Angelica Panganiban faced issues regarding the actor’s marital status
Next articlePinilakang –Sabi

No posts to display