ITO NA RAW nga yata ang magiging pinakamasayang Pasko para sa beauty queen na si Venus Raj at ng kanyang pamilya. Dati raw kasi, hindi sila nakukumpleto na mag-celebrate ng Christmas dahil nasa Bicol ‘yong iba, habang ang iba naman ay nasa Manila. But this time, buo raw sila sa mismong araw ng Pasko.
“Dito kaming lahat sa Manila magpa-Pasko,” ani Venus nang makakuwentuhan namin sa Christmas party ng Mercator na talent agency ng mentor niyang si Jonas Gaffud. “Sama-sama kaming magkakapatid pati ‘yong mga pamangkin ko, tapos ‘yong parents ko.
“Hopefully hanggang New Year na sana. Pero sa Bicol kasi maraming kailangang asikasuhin ang nanay at tatay ko, kaya siguro baka sa Bicol sila mag-New Year.”
Aminado si Venus, malaki na raw nga ang nabago sa kanyang dating simpleng buhay lang mula nang manalo siyang Bb. Pilipinas-Universe at nakapuwestong fourth runner sa Miss Universe 2010 pageant. At pati na rin daw sa kanyang pamilya.
“Meron na akong ipinapatayong bahay para sa nanay ko. Siguro rin, ‘yong pagtingin ng tao sa akin at pati sa family ko. Na dati normal lang na kapitbahay pero ngayon, somehow siguro, nagkaroon din ng respect ‘yong ibang tao sa amin, lalo na sa nanay ko.
“And ‘yon nga – kapag umuuwi ako roon, talagang ‘yong mga tao sa amin, excited na makita ako. ‘Yong parang gano’n.”
Hindi naman daw kalakihan ‘yong two-bedroom house na ipinapagawa niya sa Bicol. It’s 14 by 12 ½ square meters lang umano na may maliit na garahe. Pero mala-king blessing na raw ito for her family dahil halos kubo lang nga ang bahay nila dati.
“I’m happy na may kotse na rin ako!” Parang batang napahagikhik na sambit ni Venus. “Ano lang – Toyota Altis. Pero automatic siya kaya madaling i-drive.”
At least, may brand new car na siya. Hindi na siya nagko-commute o nagta-taxi papunta sa kanyang mga commitments. Hindi na rin siya magba-bus kapag umu-
uwi ng Bicol. At least sa maikling panahon, may mga naipupundar na siya buhat sa mga ilang initial projects na nagawa niya at mga product endorsements.
“Sa ngayon, aside sa mga pinagkakaabalahan kong projects na na-negotiate ng BPCI, may mga charity works din kaming ginagawa. Lalung-lalo na, magpa-Pasko na… magpapasaya ka ng mga kabataan, mga out of school youth, o mga street children.”
Ano naman ‘yong mga bagong plans for her sa papasok ng 2011?
“Well for next year, I am hoping and expecting na ‘yong mga endorsements na pumapasok for next year, siguro first week of Januray hanggang second week, maayos na rin kung anuman ‘yong mga kailangang asikasuhin.”
What about TV projects?
“Hopefully by next year, meron na rin. Pero I’m not so sure. Kasi lagi kong sinasabi, hindi lang naman ako ang nagdi-decide for that matter. Nandiyan pa rin ang Binibining Pilipinas to decide.”
Totoo bang may ongoing negotiation ngayon between Bb. Pilipinas and GMA-7 para sa possible TV projects for her?
“I am not sure yet. Basta ang alam ko, ang Bb. Pilipinas ang nakikipag-negotiate. I don’t know kung saang network. Pero, hopefully ‘yong makuha naman nila is the best for me.”
Nakapanghihinayang ‘yong offer sa kanya ni Willie Revillame na mag-co-host for Willing Willie. Hindi na-accommodate ng BPCI kasi hindi umano kakayanin ng schedule niya sa ngayon ‘yong daily live show na gawa nito.
“Oo nga. Pero ‘yon nga, sabi nga, kapag may nawawala, may dumarating. At hopefully may dumating.”
Pero ang sabi rin, open pa rin umano si Willie na kunin si Venus kapag pupuwede na o kapag nag-end na ang contract niya sa BPCI.
“Ah, talaga!” Napahagikhik na naman si Venus na natuwa sa gano’ng narinig. “Let’s see. September 2011 mag-i-expire ang contract ko sa BPCI. So medyo matagal pa. More than six months pa.”
What about movies?
“Wala pa naman. Pero if ever na magkaroon, hindi ko pa alam kung tungkol saan o anong role ang gugustuhin ko. But definitely kung anuman halimbawa ang role na ibibigay sa akin, kakayanin ko.”
Lovelife?
“Wala akong boyfriend. Magpa-Pasko na nga wala pa rin. Ha-ha-ha!”
‘Yong ganda niyang ‘yon?
“Hindi ko nga alam kung bakit wala! Ha-ha-ha! Siguro nai-intimidate o ano. Pero napaka-simpleng tao ko naman. So hindi ko alam kung bakit walang nagkakalakas-loob na manligaw sa akin.
“Nagkaroon na ako ng boyfriend before. Oo. Dalawa. Nu’ng high school ako at saka nu’ng college. Ngayon, hindi ko alam kung bakit zero ang lovelife ko. Naghihintay lang ako,” natawang panghu-ling nasabi ni Venus.
So, magtitiis muna siyang malamig ang kanyang Pasko.
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan