Venus Raj, type ang ‘ordinary guy’

1 Venus-RajMARAMI ANG nagtatanong kung bakit nga ba biglang-bigla ay nagpaikli ng buhok si Venus Raj. May kinalaman daw ba ito sa nangyaring break-up nila ng dating boyfriend niyang si Andrei Felix?

“It’s summer. Mainit. At saka para maiba naman,” nakangiting paliwanag ng beauty queen-TV host.

“At saka… eversince, gusto ko talaga ng maikling buhok. Eh, kaso nga dahil beauty queen-beauty queen, hindi ako pinapayagan.”

Dahil ipinaputol na niya ang kanyang long hair, siguradong hindi na siya makapag-e-endorse ulit ng shampoo. Hindi ba nakakapanghinayang na may gano’ng opportunity na mawawala?

“Tapos na rin po ako do’n. Na-try ko na iyon before. And now, there are endorsers din naman na short hair,” nangiti niyang katwiran.

Ilang buwan na rin ang nakararaan matapos silang mag-split ni Andrei. Kumusta ang status ng kanyang lovelife ngayon?

“Ay, naku… single! But I’m very happy.”

Bakit balitang merong isang foreigner na nakikitang ka-date niya kung minsan?

“Sinong foreigner? Wala!” natawang pagtanggi ni Venus. “Ang aking civil status po ngayon ay… still single.”

May tsismis din na isang pulitiko rin daw ang nanliligaw sa kanya ngayon?

“Sabi nga po. Pero hindi po totoo ‘yon. At saka if ever na mag-i-entertain ako ng suitor o magbu-boyfriend ulit ako, mas gusto ko ‘yong ordinary guy. Para po mas tahimik ang buhay. Pero wala muna po akong time para sa lovelife. Busy ako ngayon sa mga activities for a cause. That’s my advocacy.”

Nag-aaral si Venus ngayon ng Community Development course sa University of the Philippines.

“Nakaka-dalawang semester na po ako. So, dalawang taon na lang.”

Bakit Community Development ang kursong napili niyang kunin?

“Kasi product po ako ng isang foundation noon.  Isang foundation ang nagpaaral sa akin sa college. I took up Journalism kasi before sa Bicol University. And then sabi ko… I want to have a foundation also in the future. Anything that has to do with education and children. And I also want to teach. Kasi feeling ko, I have so much to share sa mga kabataan. So, if I’m gonna be a teacher, I think that would be the best venue for me to share and inspire young minds. And siguro kapag tumanda na po ako at wala na rin sa showbusiness, maganda na meron pa rin akong ginagawa. Even until I’m old.”

May bagong TV show ngayon si Venus. Ito ay ang Business Flight na ipalalabas sa GMA NEWS TV 11 every Sundays at 9 am starting March 23.  Magiging cio-host siya rito ng kilalang business woman na si Cristina Decena.

“Nakailang episodes na rin kami ng nai-tape. At nag-i-enjoy ako. Nakakatuwa po kasi you get to travel for free. At the same time, you get to inspire so many Filipinos all over the world. Napakarami mong Pilipino na nasa ibang bansa na kapag pinupuntahan ay talagang nakakatuwa. Sobrang nakaka-inspire ‘yong mga stories nila.”

Tungkol sa mga matatagumpay sa negosyo ang ipini-feature ng show. Hindi lang dito sa Pilipinas nga kundi pati mga Pinoy na naging successful sa kanilang mga businesses abroad.

“Nakapunta na po kami sa Nagoya, Japan at saka sa Bohol. At ito ang laman ng first four episodes namin. May plano na Canada ang next namin. I’m not sure pa lang where in Canada. Sobrang saya po ng show. At saka tayong mga Pinoy rito sa Pilipinas, masarap na mapanood ang mga successful nating kababayan sa ibang bansa. Kung ano ba ang buhay at kuwento nila roon. At kung paano nila narating ang kinalalagyan nila,” sabi pa ni Venus.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleOsang, itinakwil na ng anak?
Next articleEmpress Schuck, frozen delight na

No posts to display