SA PAG-AARTISTA, minsan tipo-tipo lang o kaya ay kailangan talagang makapal ang apog mo. What I mean, ‘di kailangang manipis ka. Kung maaari, ilabas mo na ang talagang ikaw at ‘yung talent mo. Bagay minsan, kahit ‘di mo ugali, magiging ugali mo na ang magpatawa dahil kung iyan ang dapat na maging karakter mo or doon ka na nakilala. Katulad na lamang nitong ating bida ngayon.
Nang tinanong ko, inamin sa akin ni Vhong Navarro na ginagaya niya noon si Jim Carrey at sa ngayon daw ay, “Ah ngayon, ako na si Chicken Curry, eh! Ah, si Jim Carrey, inspirasyon ko noong ako’y nag-uumpisa at sobrang idol ko po iyon. Kaya lang ngayon, dapat may sarili ka na ring style dapat. Hindi puro gaya.”
Ito naman ang revelation niya sa pag-ibig kasi pansin ng marami na blooming na blooming siya ngayon. Ani Vhong, “Ah, siguro kasama na rin ‘yung kapag may inspirasyon ka, ganu’n talaga.”
Kumusta ba si Anne Curtis? “Ah, talagang maganda naman si Anne. Lahat pwedeng magkagusto. Ang tanong, may pag-asa ba ako?” Tinanong naman siya ng isa sa kapatid nating press kung ganu’n din ba ang ginawa niya kay Toni (Gonzaga)? “Eh, ganu’n din naman si Toni eh, ayaw n’ya sa akin.” Type ka nga raw niya, eh! “Eh, ba’t di niya sinabi? Nakabantay kasi si Mommy Pinti. Ang bait kasi sa akin, nahihiya ako, eh. Crush ko naman si Toni dati nu’ng time na magkasama kami sa trabaho. Eh, pagkakatrabaho mo talaga eh, mahirap.” Naks!
Tungkol naman sa comedy sitcom nilang TODA MAX: “Ako sobrang saya ako na napili ako ni Idol Robin Padilla sa pagbabalik niya rito sa Kapamilya Network. Lagi kaming nagkikita sa labas n’yan at gusto n’yang magkaroon kami ng pelikula, at ito na nga nangyari na. Natutuwa nga ako na tinanggap ‘nya ito, kasi Robin yan eh. Kasi nasa ibang level na si idol. Para mai-level ako sa kanya, talaga namang wala akong masasabi.”
Ano ang sikreto ng pagiging comedian ni Vhong talaga? “Dapat kasi, kapag comedian ka, lagi kang may maisip na bago para ang tao maka-relate sa iyo.” Mga bagong konsepto? “Oo, mga usong salita ngayon, mga kalye. ‘Yung mga pinag-uusapan ngayon. Dapat nandoon ka. Pa-training ka roon, para kapag binitawan mo alam nila. Ang mahirap kung hindi nila maintindihan ang mga pinag-uusapan ninyo. Kaya dapat ‘yung sitwasyon o story, may puso.”
Eh, ‘di nagkakaintindihan kayo ni Robin kahit walang script? “Iyon nga ang maganda sa amin ni Robin, tinginan lang, sasalinan n’ya ako kahit walang script. Eh ako, sanay ako kasi sidekick ako n’yan, eh. Kaya, ‘pag bumitaw, sasaluhin at sasaluhin ko ‘yan. Kaya lagi akong naaalala n’yan, eh.” Yeah, I heard nga kaya kung side kick siya dati, maaalala nga siya palagi ni Robin.
Iyong karamihan sa mga na-interbyu ko na artista, parang wala silang lovelife. Dahil ba ‘yun sa trabaho o dapat adjustable ka ba talaga? “Dapat, oo. Lalo na ako, komedyante ako. Kapag may problema, dapat lagi ka pa ring nakikita ng tao na masaya.” Iyong baby face ka rin, sa tingin mo mapagmahal ka rin ano? “Tulad ng sinabi ni idol, kasama iyon, eh. Dapat magmahal ka.” Pero hinahayaan mong mahalin ka nila? “Heheh! Eh, kasi naman sila, eh. Alam n’yo naman ako, eh.” Pabirong natatawa si Vhong.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
E-mail:[email protected], [email protected]
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia