Malaki ang paniniwala ni Leo Martinez na may magagawang mabuti ang Duterte admistration sa mga tao.
“I have high hopes because we will support the next president, the vice president and everybody… Tapos na ang eleksyon, magkaisa na tayo. Huwag na tayong…
“’Yon nga ang problema natin, eh, every six years bangayan tayo nang bangayan because of our constitution, we are always going through an election,” pahayag ng beteranong aktor nang makausap namin siya sa story conference ng “The Smel of Fear” na ipoprodyus ng BG Productions International under the direction of Paolo Bertola.
Leo will play a very important role in the film na hanggang ngayon ay hindi pa raw buo ang casting.
Ayon pa kay Leo, nasa mga Pilipino mismo ang problema kung bakit hindi tayo umuunlad.
“Ang problema ng Pilipino ay hindi komunismo, hindi militarismo, at hindi Amerikanismo… kundi tayo mismo.
“Bakit? Tatlumpong taon na pagkatapos ng People Power, limang presidente na ang nakaraan, wala pa ring nangyayari sa atin.
“Tayo naman ang pumili ng mga presidente. Pagkatapos ang pinili natin, sisiraan natin, tayo rin ang nangungunang siraan. Eh, ‘di tayo ang may problema.
“Ang essence ng democracy, pagkatapos ng eleksyon, dapat susuportahan natin lahat ng mga nanalo. Ay anak ng pu__, hindi pa nag-uumpisa ay kanya-kanya na tayong batikos sa lahat mga pumasok mula sa presidente hanggang sa… binabatikos na natin. Eh, paano tayo uunlad niyan?” litanya pa niya.
Well, tama nga naman si Ka Leo Martinez, huh!
La Boka
by Leo Bukas