KASAL NA si Vhong Navarro sa girlfriend niyang writer na si Tanya Bautista!
Ikinasal ang dalawa nitong Huwebes, Nov. 28 sa Kyoto, Japan. Dinaluhan ito ng kanilang mga kaibigan including John Lloyd Cruz na kitang-kita sa photo, Billy Crawford at mga kasamahan niya sa programang It’s Showtime.
Sa pagkakaalam namin ay matagal nang plano noon ni Vhong na pakasalan ang long time girlfriend kaya lang ay nagkaroon ng problema ang actor dahil sa kaso noon laban kay Deniese Cornjeo. Hinintay muna ng comedian na maging maayos ang lahat bago siya nag-propose sa kasintahan.
Sa post ni Kim Atienza sa kanyang Instagram account ay ipinasilip nito na naglalakad si Tanya sa aisle habang sinasalubong ni Vhong.
Bago pa ang kasalan ay nag-post din si Vhong ng series of beautiful pictures sa kanyang Instagram na tila mga prenup photos nilang dalawa ni Tanya.
“Mag kamukha daw tayo sabi ng iba, ikaw daw ang babaeng version ko sabi ng iba. Saan pa ba yun papunta? Iba ka!” caption pa ng aktor.
Best wishes and congratulations, Vhong and Tanya!