Vhong Navarro, balik-pelikula sa Chiquito movie na pang-MMFF

Vhong Navarro
Vhong Navarro

Life for Vhong Navarro after the January 22, 2014 incident had changed at the drop of a hat.

Markado ang petsang ito sa kalendaryo ni Vhong Navarro dahil gabi ng ika-22 ng Enero ng taong ‘yon ay pinagtulungan siyang bugbugin ni Cedric Lee at ng grupo nito sa unit ni Denise Cornejo sa Forbeswood sa Bonifacio Global City sa Taguig.

But life had to go on for Vhong. Lampas isang buwan since it happened ay bumalik na siya sa “It’s Showtime”, but it wasn’t an ultimate showbiz return.  TV hosting lang ang binalikan niya, not acting in the movies.

Pero magandang balita para sa kanyang mga tagasubaybay, Vhong will field a solo starrer sa Metro Manila Film Festival this year as he reprises a classic role na orihinal na ginampanan ni Chiquito. Kung sino ang karakter na ‘yon ni Papang (tawag kay Chiquito, Augusto Pangan in real life) ay hindi pa muna maaaring isiwalat.

One thing’s for sure, bumalik na ang sigla ni Vhong pagkatapos ng malagim na kabanatang ‘yon sa kanyang buhay.

PARA SA mga young at heart, kilig ang hatid nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali—who play Ethan and Yumi, respectively—in the top-rating sitcom “Ismol Family” every Sunday.

Kung ang captive audience kasi nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana (Jingo at Majay) ay mga young couples, mga bagets naman ang target market nina Miguel at Bianca who, in the story, have yet to turn their friendship into a romantic relationship.

Bakit nga ba kasi ibinibitin pa sa kuwento kung ano ang kahihinatnan ng dalawa, gayong sa relasyon din naman ito mauuwi? Ooppps, lest its loyal viewers forget, “Ismol Family” is not just about fun and humor embodied in its every episode.

Kalakip din kasi nito ang mga makabuluhan albeit old-fashioned family values bilang responsibilidad na rin ng show sa ating lipunan. Of course, uso ang mga crushes, ang puppy love, at mga kung anik-anik dala ng kabataan, but getting trapped in it ay depende sa edad at maturity ng tao.

In the meantime, makikilig muna tayo kina Miguel at Bianca at saka na natin sila ibuyo sa seryosong pag-iibigan, ‘no!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMayamang business woman, ibinuking ang isang showbiz mom
Next articleAiko Melendez, proud sa ginagawang indie films

No posts to display