NAG-FIRST “MONTHSARY” na ang kaso ni Vhong Navarro, is it not about time he returned to his daily grind in showbiz?
For sure, Vhong sorely misses his daily hosting stint, after all, sa gawain niyang ito siya kinakikitaan ng adrenalin rush that just shoots up intensely.
Pero mukha namang masagwang tingnan na habang nagpapatawa’t nagpapasaya si Vhong ay salungat naman ito sa krisis na kanyang pinagdaraanan. Remember that Deniece Cornejo is not perceived to be the underdog here despite desperate attempts to win public sympathy and compassion, kundi si Vhong.
But knowing how supportive ABS-CBN and Star Cinema are of Vhong—lalo’t the TV host-actor’s dormancy translates to huge loss of income—ay may inihahanda silang proyekto para sa kanya, at least, a light drama or a suspense film.
VERY FEW know that underneath the veneer of popularity as an actor, isa ring mapanuring negosyante at mapagmahal na asawa’t ama si Richard Yap whose top priority is his family’s well-being and future.
As such, isa sa kanyang mga prayoridad ay tumuklas ng mga karagdagang pagkukunan ng ikabubuhay para sa kanyang pamilya. Two of these discoveries are partnering with two friends in setting up a Chinese resto in Quezon City, and venturing into the recording industry with the release of his self-titled solo album.
Of Chinese descent, bagama’t naniniwala si Richard sa feng shui ay iba pa rin daw kung ang diskarte ng isang tao ay sinasangkapan ng masusing pagpaplano, sipag, tiyaga at dedikasyon as all these elements ensure one’s success in life.
“Nothing can replace hard work and having expert advisers to guide us when making important financial decisions, ” sabi ni Ser Chief. Hence, Richard trusts Manulife to help him with his major big concerns. Hindi raw sapat sa kanya ang tinatamong tagumpay sa showbiz, as he refuses to leave everything to fate.
Behind the suave persona that he projects on the TV, mananatiling isang responsible family man si Richard, who focuses on his family’s future, of course, with the help of Manulife.
Noong estudyante pa: Sikat na aktres, nanunugod ng girl na lumalandi sa kanyang dyowa sa gitna ng flag ceremony
BLIND ITEM: Sa sinehan, ang sinumang hindi tumayo bago mag-last full show sa saliw ng Pambansang Awit ay sinisita, kundi man may kaukulang parusa.
Pero kakaiba ang kuwento tungkol sa isang sikat na aktres na ito na hindi na iginalang ang flag ceremony sa dating pinapasukang paaralan.
Ang siste, kapag namataan daw ng aktres ang sinumang babaeng kamag-aral kahit taga-ibang section na lumalandi raw sa kanyang nobyo ay susugurin niya ito sa pila, iiskandaluhin at pagmumurahin kesehodang nasa kalagitnaan ng flag ceremony.
Shocked tuloy ang buong studentry at faculty members ng eskuwelahan sa kawalan ng aktres ng respeto sa ating watawat.
Da who ang aktres na ito na dapat isabit nang patiwarik sa tuktok ng flag pole? Itago na lang natin siya sa neymsung na Pamela Rio.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III