HINDI KAMI abogado, pero tila may gray area sa itinakdang pagdinig bukas, May 6, kaugnay ng petition to bail na inihain ng kampo nina Cedric Lee at Zimmer Raz. Katwiran nito, mahina raw ang ebidensiyang nagdidiin kina Lee t Raz sa kasong serious illegal detention.
Under the law, walang piyansa ang sinumang sinampahan ng naturang kaso.
But for the sake of argument, let’s give both Cedric and Zimmer a chance to hear their side, kung paanong mabibilog nila ang mga ulo na naniniwalang guilty nga sila sa naturang offense.
While two of Vhong’s several assailants are already detained, may nagsasabing hindi raw dapat magpakampante ang TV host-actor dahil sa lawak umano ng impluwensiya ni Cedric sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.
So, what should Vhong do, huwag nang ipursige ang kaso dahil pader ang kanyang binabangga? All the more that Vhong should pursue the case if only to prove that justice in the country is not only for the wealthy and mighty.
IT WASN’T until Mr. Tony Calvento mentioned that she had to spend Holy Week in her native province na natuklasan naming Bicolana pala si DOJ Secretary Leila de Lima.
Personally, we are a big fan of the feisty secretary.
Our admiration for her ay hindi lang dahil sa kanyang fashion statement with that ubiquitous shawl everytime she faces the media. Moreso, ang kanyang legal stance reinforced by her unflawed command of the English language.
Initially, inakala naming isang Ilongga si De Lima batay sa kanyang accent. Salamat sa napasadahan naming panayam kay Sir Tony, finally, our question has found its answer.
As we all know, dalawang mabibigat na celebrated, high-profile cases ang tinututukan ni De Lima sa kasalukuyan: ang Vhong Navarro case at ang pork barrel scam.
Kung tutuusin, in comparison ay maning-mani lang ang kasong isinampa ni Vhong laban sa mga personalidad tulad nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at iba pa as this is NOT a national concern.
Pero kung bakit sinusubaybayan ito ng Kalihim as she equally does sa usaping pandarambong ng ilang mambabatas ay isang kapuri-puring bagay that we—bilang mga Pilipinong naniniwalang may hustisya pa rin sa ating bansa—should be proud of.
Kesehodang si Bong o si Vhong man ang sangkot, de Lima has gained an overwhelming public trust.
At dahil diyan, nais isigaw ng buong sambayanan bilang suporta sa DOJ Secretary na, “Give me ‘lima’… este, five!”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III