MAY NABASA kami na post sa facebook ng, “Kami itong nakikipagpatayan para sa Pilipinas, hindi man lang naibabalita. Samantalang si Vhong Navarro na nabugbog lang.”
Paano mo nga ba ipaliliwanag ito? Merong isang nag-comment sa post na ‘yon na, “‘Yung mga sundalo, tungkulin talaga nilang ipagtanggol at ipagpatayan ang kapayapaan sa Pilipinas. Si Vhong ay artista at hindi naman niya tungkuling magpabugbog.”
So ano ang comment mo dito? Kasi, mahabang usapin ito, eh. Isang dosenang tasa ng kape o isang case ng beer ang kailangan dito para lang mailatag ang iyong stand.
Anyway, ‘yan ang Pinoy. Kahit sa pangangatuwiran, hindi papatalo.
MAY NARINIG kaming opinyon na “Nakahanap ng katapat ang kampo ni Cedric” at “Nakahanap din ng katapat si Vhong Navarro!” Maaaring sa isang banda ay may “natapakang pagkalalaki” si Vhong, kaya siya pinagbubugbog.
Maaaring nagkamali si Vhong na “umagaw ng pagmamay-ari ng iba”, pero siguro naman, hindi lang talaga namin maintindihan kumbakit kailangang bugbugin siya nang bugbugin at ba’t hindi na lang tinern-over sa pulisya si Vhong, baka pa malaki ang laban ng kampo ni Cedric.
Unfair din naman kung sa ganyang pagkakataon lang namin huhusgahan nang negatibo si Cedric. Hindi naman namin siya kilala nang personal. Actually, may nagtsika na sa amin, “Are you willing to face and interview Cedric if ever?”
Sabi namin, “Oo naman. Ba’t naman hindi? We have some common friends na ipinakikilala rin sa amin si Cedric bilang, “‘Yan, grabe makipagkaibigan. ‘Pag inaapi ang kaibigan niya, siya ang unang-unang dumedepensa. Ganyan siya makipagkaibigan.”
Actually, gusto namin siyang ma-meet para naman marinig ang kanyang panig. An’dami naming naririnig na kuwento tungkol kay Cedric, pero hindi naman basta para paniwalaan ito.
SI VHONG Navarro ay malapit sa puso namin, dahil kumpare namin ‘yan at inaanak din namin ang kanyang panganay na anak. ‘Yung bugbog-sarado siya, du’n kami nakisimpatya sa kanya, dahil hindi naman bayolenteng tao si Vhong para umani siya ng pasa sa mukha at bali sa katawan.
Sana, napag-usapan na lang nang lalaki sa lalaki o ‘di kaya ay dinala na lang siya sa presinto. ‘Yung version ni Vhong ng extortion ay may version din ang kabilang kampo, “Vhong is a good negotiator, dahil siya ang nagsasabi kung hanggang magkano ang kaya niya.”
Magkakaibang version pero nagsisimula pa lamang ito. At sana nga, matapos na nang matiwasay.
Juice ko, sana nga.
NAGTATAKA LANG ang ibang commenter sa FB kumbakit hindi man lang sumusulpot (kahit hindi magsalita) ang parents nitong si Deniece Millet Cornejo. Talagang siya lang, si Cedric Lee at ang ate nitong si Bernice Lee ang humaharap. Wala lang, parang very unusual.
Kasi nga naman, tinangkang gahasain ang anak mo, sana man lang, nasa tabi niya ang parents niya para bigyan siya ng moral support, pero wala nga sa picture. Bakit kaya?
Oh My G!
by Ogie Diaz