MARAMI ANG napasaya ng isang simpleng photo which captured the hosts of It’s Showtime during Valentine’s Day.
Kasi naman, Vhong Navarro was in the photo and he was smiling. First time yata nakita ng publiko ang picture niya na nakangiti na siya.
The photo which also had Anne Curtis, Ryan Bang, Billy Crawford and other It’s Showtime co-hosts was posted in the Facebook fan page account of Anne Curtis na kuha noong Valentine’s Day.
Ang daming nag-like sa photo, around 200,000 at lahat nagsasabing sana ay bumalik na si Vhong sa noontime show ng Dos.
MANY WERE asking if we are a member of any movie press organization. Sorry but we’re not.
We cannot be in the same company of people na ang tingin sa mga artista ay pagkakitaan sila sa anumang paraan.
We cannot be in the same organization where there are members who are perennial gatecrashers like this scribe who has gotten an image as a self-invitee sa mga presscon. Ayaw ni Chuck Gomez at Nene Riego ng ganyan.
Hindi rin namin type na makasama ang isang officer na ikinampanya ang isang comedienne para manalo. Hindi na nahiya ang officer na ikampanya ang friend niyang komedyante. Wala siyang ETHICS. Ayun, natalo ang komedyante at bilang ganti ay hindi nito inimbitahan ang press org na nagpatalo sa kanya sa botohan.
We cannot rub elbows with a plagiarist. Meron isang writer kuno na kinopya ang column ng isang kapwa manunulat at nang sitahin daw ng editor ay lumuhod pa raw sa paghingi niya ng sorry. Dapat diyan pinatalsik na sa org niya, ‘no. Ayaw ni Chit Ramos ng ganyang klaseng tao na nangongopya.
Pera-pera na pala ang labanan kapag eleksyon ngayon sa showbiz. If you’re running, kailangang kumpleto na ang officers mo. Usung-uso na ‘yung sponsorship. Kukuha ng celebrity friend ang tatakbo, magpapakain sa ilang press and then give ng datung para suportahan ang tumatakbong member.
And most of all, ayaw naming makahalubilo ang mga writer kuno na naglalakad para manalo ang isang celebrity sa ngalan ng datung. Alam namin na uso ang bayaran para manalo and we know of two writers na talagang inilakad ang panalo ng manok nila. Give raw ng datung ang celebrity kaya nagwagi. Hindi lang sa national and local elections nagaganap ang VOTE BUYING, maging sa showbiz din.
Ang umaray, GUILTY! Are you ready to read your names HERE? Try n’yo lang mag-deny.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas